Chapter 42: Sore eyes kuno

752 23 0
                                    

Skyler Pov

Nandito na ulit ako sa harap ng room namin. Natatakot akong pumasok o kumatok. Pero kailangan ko diba?

Kailangan kong makapasa sa exam.

Kumatok muna ako bago pumasok.

Nabunutan ako ng tinik ng makitang wala pang guro sa unahan.

"Tanga may good news ako sayo"

"Ano yun?" pagtatanong ko.

"Teka lang bakit ka nakashade?"

"May sore eyes ako. Gusto mo hawaan kita" natatawa kong saad at hinawakan ko pa ang mata ko tapos ilalapat ko sa balat nya.

Lumayo sya sa akin ng kaonti.

"Kaya ka ba wala kaninang umaga?"

"Oo. Ano na yung good news mo? Kasi ako may good news na rin ako"

"Oh sige. Wag ka mabibigla ha! Kami na ni Kylie"

"Talaga? Hindi na sya tumawa? Baka nagjojoke ka lang ah" pagpapanggap kong walang alam.

"Totoo"

"Talaga lang ha"

"Di wag ka maniwala. Di kita pipilitin. Ano na yung good news mo. About ba sa kapatid ko?"

"Tatlong goodnews" nakangiti kong saad.

"Wowo andami. Ano yun?"

"Bago yun. Congrats muna kasi naging kayo na nga ni Kylie. I'm so happy"

Just great Sky! Plastic ka talaga Sky.

"Yung isang good news ay nakit--"

Bago ko pa matapos yung sasabihin ko dumating na yung guro namin.

Nagsign sya sa akin na mamaya kami mag-usap.

Tumango na lang. Natapos ang araw na nagtest nga kami. Nakakapagod sa utak pero okay lang may alam naman ako eh. Kaya hindi ako mababagsak. Hihihi.

Buong hapon ko ring tinaguan si bakla. Ayoko palang magsabi ng goodnews sa kanya. Hahaha.

Lalabas na sana ako ng school ng may sumigaw.

"NAK/TANGA/SKYLER" malakas nilang sigaw.

Napalingon ako sa kanan naroon si Daddy sa kaliwa naman si Miguel. Tapos sa likod ko si Bakla. Parehas silang tatlong may kotse.

"Bakla maarte ka naman kaya ayoko sumama sayo. Mamaya pa nyan sisihin mo ako kapag nagkaroon ka ng sore eyes. Umuna ka na sa restaurant" sigaw ko sa kanya.

Lumapit ako sa kotse ni Daddy.

"Miguel sa kotse nalang ni Daddy tayo"

Tumango sya. Tapos may dinial sa phone nya. Siguro para kunin yung kotse nya.

Pumasok narin naman kaming dalawa sa kotse.

"Nak anong nangyari?"

"May sore eyes po sya Daddy" pagpapaliwanag ni Miguel.

Natawa naman ako doon.

"No need para mag-excuse ng ganoon Miguel. Daddy umiyak po ako" nakangiti kong saad.

"Dalaga ka na talaga anak. Sigurado ako dahil kay Daniel diba?"

"Paano nyo nalaman Daddy?"

Ngumiti muna sa akin si Daddy.

"Sabay kaming tumawag sa iyo anak. Sino una mong sinagot? Si Daniel diba?"

"Pero Daddy pwede namang talag--"

"Wag kang mag-alala nak. Masaya ako at nakakaranas ka ng ganyan ngayon. Pero sana alam mo at masaya ka sa desisyon mo"

"Daddy naiiyak na naman ako"

"Mamayang gabi bar tayo?" paghahamon ni Miguel.

"Ang babata nyo pa para dyan. Pero sige tayong tatlo magbabar"

"Daddy may sasabihin nga po pala ako sa'yo"

"Ano naman iyon anak?"

"Miguel ikaw na" saad ko.

"Ammm. Daddy..." pasuspense ni Miguel.

"Sige lang iho. Kaya mo yan"

"Daddy wag ka magagalit?" pagtatanong ko.

"Oo naman nak"

"Daddy kami na ni Miguel"

Tumigil muna kami sa tabi ng highway.

"Anong sabi mo nak?"

"Daddy"

"Nak. Alam kong iba ang mahal mo. Hindi mo ba alam kong anong mararamdaman ni Miguel ngayon? Ginagawa mo syang panakip-butas! Nak naman. Maaari kang magmove-on pero sa ibang paraan. Maraming paraan nak"

"Pero Dad--"

"Nak. Tao lang rin si Miguel nasasaktan rin sya"

Lumingon ako sa pwesto ni Miguel. Nakangiti lang sya sa akin. Nakakakonsensya tuloy.

"Miguel naman eh"

"Okay lang po Daddy. Masaya ako at ako ang first boyfriend ng anak nyo"

"Pero iho hindi iyon tama. Hindi magwowork ang relasyon kung isa lang ang nagmamahal"

"Pero--"

"Alam kong mahal mo ang anak ko Miguel. Pero hayaan mong sya ang makadiskubre ng paraan kung paano haharapin ito"

"Daddy favor. Ngayong araw lang. Magiging kami ni Miguel. Okay lang ba sayo Miguel?"

"Anak"

"Okay lang sa akin Skyler"

"Alam ko ang pinaplano nyo anak. Masama iyan"

"Pero Daddy gusto ko lang naman ipakita sa kanila na meron rin ako"

"Bahala kayo anak."

Nagpatuloy na kami sa pupuntahan namin.

Ms. Tanga Meets Mr. Bakla ✔Where stories live. Discover now