"sabihin mo na ang totoo sa kanya anak. habang pinapatagal mo ay pare-pareho kayong mahihirapan. Tama na ang pagpapahirap mo sa sarili mo anak"

"thank you po Ma" sabi ko at hinigpitan pa lalo ang yakap sa kanya bago ako kumalas.

aaminin ko kahit simpleng usap lang ito ay gumaan kahit papaano ang nararamdaman ko. I always have my family behind me.

"nakausap mo na ba ang Tita Carlie mo?" tanong niya.

napapikit naman ako. nakalimutan ko si Tita!

"tumawag siya kanina at kinukumusta ka. ano na daw bang plano mo? lampas ka na sa leave na sinabi mo"

Kahit kasi naka indefinite leave ako ay hindi naman pwede yung magtagal ako dito sa Pinas dahil may trabaho ako sa Texas.

"sige po Ma kakausapin ko po si Tita. Nakalimutan ko po kasi."

"anak alam mo namang hindi mo kailangan magtrabaho pa dun. kahit dito ay okay lang. wag ka ng lumayo samin"

"pag-iisipan ko Ma" ngiting sagot ko, ang kaso pinalo niya ako sa balikat "aray naman Ma" reklamo ko.

"anong pag-iisipan. sinabi ko na sa tita mo na hindi ka na babalik dahil magpapakasal kana dito. sabi ko nagkabalikan na kayo ng tatay ng anak mo."

"Ma!" inis na sabi ko.

"anong Ma? naku ikaw Armie ah. kilala na kita. umaalis ka lang kapag may tinatakasan ka. dahilan mo lagi ang pera pero alam naming hindi yun ang totoo. dati palang wala ka namang pakialam sa pera basta nakadikit ka samin ng Papa mo. yung pagpunta mo ng Dubai o paglipat mo ng Texas ay dahil lahat kay Navi hindi ba?"

"Ma hindi ganun yun"

"ganun yun. Naku Armie tigilan mo na anak ang pagpapahirap mo sa sarili mo at wag na wag ka ng magsisinungaling sa amin."

magsasalita na sana ako para depensahan ang sarili ko ng magsalita ulit siya "isa pa doctor ang tatay ni Paige. kaya na kayong buhayin nun. at sinabi sakin ni Candy na kanila pala yung Delos Reyes Corp. akalain mo naman yung batang yun. mayaman pala ang pamilya-"

"Ma" awat ko. "kelan pa tayo naging mukhang pera?" tanong ko.

napabuntong hininga naman siya bago mahinahong nagsalita"anak ang gusto ko lang ipunto ay kaya naman kayong suportahang mag-ina ni Navi kaya bakit kapa aalis. kung ayaw ka naman niyang suportahan andito kami. pwede ka rin namang magtrabaho dito kung gusto mo"

"pag-iisipan ko po Ma. ikaw talaga mamaya iniimpake na ni Tita ang mga gamit ko at ipapadala na dito" maktol ko

"oo na. wag mong kalimutan kausapin ang tita mo. magpasalamat ka rin"

"Ma sinabi niyo talaga yun kay Tita?" tanong ko ng maalala ang sinabi niyang ikakasal na ko. "baka mausog" maktol ko.

"tsss! itong batang to. nagbibiro lang ako. sige na umakyat ka na. tatawagin ko kayo kapag kakain na" pagtataboy niya sakin

"sigurado ka ah. baka mamaya nagpapatahi na ng gown si tita para sa kasal ko" pagbibiro ko.

natawa naman siya at tumango.

nakangiting umakyat ako papunta sa kwarto namin ni Paige pero mawala rin kaagad ng makarating ako sa tapat ng pinto namin. ang dami na namang pumapasok sa isip ko at lahat ng iyon ay hindi maganda.

Sumilip ako at nakita ko si Paige na nakaupong nanonood ng Barbie. napangiti ako at isinara na lang ulit ang pinto.

dumiretso ulit ako sa kwarto ni Cands. Agad bumalik sa isip ko ang nangyare sa amin ni Nav dito kagabi.

UNBEARABLE DesireWhere stories live. Discover now