(49) She Fell

Começar do início
                                    

Sari-sari ang mga naging reaksyon ng mga kasamahan ni Yaya.

"Ano daw?"
"Pano na tayo ngayon?"
"Natunton na tayo ng Black Army. Anong gagawin natin?"
"Wala na tayong takas ngayon."
"Hanggang dito na lang ba tayo?"

Nag-akapan. Umiyak. Nagalit. Nataranta.

Ilan lang yan sa mga naging tugon nila sa masamang balita. Yung kaninang masayang salo-salo tila biglang naging isang bangungot.

"Yaya..."
"Huwag kayong mag-alala Raxelle. Ligtas tayo dito. Alam kong hindi matutunton ng Black Army ang kwebang ito."
"Ya..." Halata kay Yaya na miski siya ay natatakot sa maaaring kalabasan nito. Kahit anong gawin niya subok na papanatagin ang kanyang loob, mababakas mo pa rin ang kaba at takot sa kanya.

Lumayo ako sa kanila at hinila si Jed sa isang tabi.

"Anong gagawin natin?" Tanong niya sa akin.
"Hindi natin sila pwedeng hayaan na matunton ng Black Army. Ito na lang ang lugar na pwede nilang tirahan. Pati ba naman ito mawawala din sa kanila? Hindi ako makakapayag Jed kaya..."
"Kaya..."
"Susubukan ko silang pigilan. Lalabas ako at kakalabanin sila. Anu pat naging Warrior ako kung sa pagkakataong ito, hindi ko ito mapapakinabangan."
"Sasama ako Raxelle." Ngumiti ako sa kanya at tumango.
"Alam kong sasabihin mo yan. Isa ka ngang matapang na nilalang Jed."
"Hindi lang naman iyon ang dahilan."
"Ano pa?"
"Hahayaan ko ba namang mapahamak ang buhay ko?"
"Jed..."
"Hindi ko hahayaan na masaktan ka Raxelle kaya poprotektahan kita kahit ikamatay ko pa." Mapataman akong tumingin sa kanya at mababakas mo sa kanya na seryoso siya sa mga sinabi niya.

Napagdesisyunan namin na lumabas pareho ng kweba at subukang pigilan na makalapit dito ang Black Army. Pero kagaya ng inaasahan ko, hindi pumayag si Yaya Felly.

"Ya, huwag kayong mag-alala sa akin. Kaya ko na ito. Kung anu-ano na ring pagsubok ang pinagdaanan ko kaya sanay na ako sa gantong sitwasyon."
"Pero Raxelle..."
"Hindi kami mapapahamak Yaya. Sinisigurado ko yan. Babalik kami ditong may dalang magandang balita."

Ibinahagi sa amin ng ilan sa mga kasamahan ni Yaya ang mga sandatang itinatago nila. Ito raw muna ang gamitin namin para hindi agad maubos ang aming enerhiya.

"Babalik ako Ya. Imortal ako. Kaya kahit anong gawin nila sa akin, hindi ako mamamatay. At sisiguraduhin kong ganun din ang mangyayari kay Jed. Magiging ligtas kami pareho."
"Mag-iingat kayong dalawa."
"Sige po. Hintayin nyo na lang po ang pagbabalik namin."

Tahimik kaming lumabas mula sa kweba at bago pa man kami tuluyang umalis.

"No deje que el enemigo encontrar este lugar. Hechizo de protección."(Don't let the enemy find this place. Protection Spell.)

Bahagyang nagkaroon ng liwanag at duon lumabas ang transparent aura na bumalot sa kabuuan ng kweba. Makakatulong ito. Hindi maaaring makita ng Black Army ang buong kweba dahil sa Invisibility Spell na inilagay ko dito. At kahit makita pa nila ito, hindi silang maaaring makapasok kahit na subukan pa nila itong gibain dahil sa Protection Spell na nandito.

"Tara na Jed."
"Sige."

Nagsimula na kaming hanapin kung nasang lupalop na ang Black Army at kapag natagpuan na namin sila, dun namin sila susubukang ubusin lahat. Yun naman talaga dapat ang nangyayari sa mga kagaya nila. Walang puwang sa mundo para sa mga demonyong kagaya nila.

Lampas 30 minuto na kaming naglalakad ni Jed ng makirinig kami ng nga kaluskos malapit sa amin.

"Nandito na sila." Pabulong na sabi niya.

Automatic kaming nagtago sa itaas ng puno at tama nga siya. Nandito na ang Black Army.

Sampong miyembro ng Black Army ang nakatayo malapit sa punong pinagtataguan namin at halata sa kanila na may hinahanap sila.

Rise of the WarriorsOnde histórias criam vida. Descubra agora