Chapter 2: It's him!

Start from the beginning
                                    

"Stop it, Janella. Act like a lady!" Saway ulit ni daddy. "By the way this is my friend Alfred Tantoco and his son Orion"

Orion? Nice name. Reminds me of a Constellation.

I looked at him again, crossing my arms. "Orion huh? Ang ganda ng pangalan mo pero 'di bagay sa'yo!" I walked out. Kainis! Bakit siya pa? Oo gwapo siya! Hot! Pero shoot naman eh, he's a jerk! Ngayon pa lang sinasabi ko na, never kami magkakasundo ng lalaking iyon! I swear. He's rude, stupid, as*hole... in short bwisit siya!

"Janella! asdfghjkl." I heard my dad shouted. May sinabi pa siya 'di ko lang maintindihan dahil malayo na 'ko kung nasaan sila dahil nga nag-walkout ako. Bahala sila doon, wala akong balak makipagkaibigan o date dun sa anak ng bestfriend niya. At mas lalong hinding-hindi ako magpapakasal sa kapreng 'yon.

*

I called my one and only bestfriend, Patricia. Ang kasama ko sa lahat ng kabaitan ko sa mga classmates namin noong high school. I met Patricia when we were in first year. Actually wala akong true friends simula nang nag-aral ako. Since pre-school yata, 'yung mga magulang ng classmates ko ay inuutusan lang 'yung mga anak nila na kaibiganin ako because anak lang naman ako ng isang business tycoon sa buong mundo. In short, mga user sila.

Simula nang nag-aral ako ay lagi naman akong nasa International School. Oo, mayayaman din naman ang mga kaklase ko, enough para makapasok sila sa School na pinapasukan ko. Pero kahit ganun eh, 'yung iba ay makikipagkaibigan lang dahil anak ko ng isa sa pinaka mayamang businessman sa mundo. I've never had real friends. I thought they were my true friends but they were just using me... my money. May point pa nga na aawayin nila ako kapag hindi nila nakuha ang gusto nila mula sa akin. They are Social Climbers and Gold Diggers.

Buti na lang noong nag high school ako, my dad enrolled me in a different International School- where I met my one and only bestfriend; Patricia. She's always by my side whenever I need her. She never took me for granted. She was born rich, almost same level of my family. Siguro malaking factor na rin 'yun kaya hindi siya katulad ng ibang social climbers kong ex-friends before.

She even taught me to defend myself from bullies. Yes, I have been bullied before. 'Yung mga classmates ko noong Grade School na kapag hindi ko nabigay ang gusto nila aawayin nila ako. There was one time na kinulong pa nila ako sa CR. But when I entered High School and met her, she told me na 'wag daw ako magpa-api at subukan ko daw lumaban to protect myself pero parang nasobrahan yata. I started to act like a brat. Hindi na rin ako basta basta nakikipag-usap sa mga mukhang hindi katiwa-tiwala ang pag-mumukha. I learned to protect myself by attacking them emotionally. I don't hurt them physically dahil hindi ko naman gawain 'yun and I'm not a violent person.


But Patricia has never been a bad influence on me! Kapag nakakagawa ako ng masama sa kapwa, she's the one who tells me to apologize to that person. But because of my ego, 'di ko ginagawa ang sinasabi niya. Nag-enjoy ako na awayin ang mga froglets ng school.

Okay. Back to reality. I called her to go here in my condo. Buti na lang talaga bumili ako ng condo bago pa ako umuwi dito sa pinas, or else dun ako sa mansion ni daddy uuwi at mukhang papagalitan niya ako because of what happened earlier.

"Janelle! OMG, I missed you giiiiirl!" Pagkapasok na pagkapasok niya ay niyakap niya agad ako. Gosh, I missed her so much! 3 years din kaming hindi nagkita ng bruhang 'to dahil never akong umuwi dito sa Pilipinas since I studied in France. Mostly, sa skype lang kami nakakapag-usap.

"Aray! I can't breathe!" Reklamo ko dahil ang higpit kasi ng yakap niya.

"Sorry, sorry." She giggles. Grabe namiss ko talaga ang babaeng 'to.

Trapped by ArrangementWhere stories live. Discover now