Chapter 24 : Gang Fight

Start from the beginning
                                    

Andito na kami sa Underground kung saan magaganap ang Gang Fight .

"Queen , Are you okey ? Kasi para kang balisa ."Mikay

"Y--Yeah , Im Fine ."Ako sabay iwas ng tingin .

"Sino ba mauuna lumaban sa inyo ?"Tanong ko .

Baka sakaling mawala ang kaba ko .

"Sila Kira muna tas kami ."Gino

Okey . Kaya yan .

*******

Kanina pa nag-umpisa ang laban , At kami na ang susunod . Inaantay lang namin na tawagin na kami .

"Okey , Ito ang kauna-unahang laban na masasaksihan niyo dahil ang dalawang Gang ni Killer Queen ay Andito na sa pilipinas . Ngayon masasaksihan Natin ang isang laban na alam nating hinding hindi natin makakalimutan . Kaya please welcome From Japan Killer Queen with Her Gang , Onyx Gang . Versus The Black Velvet ."

Nagsi akyatan na kami sa Stage kung saan kami maglalaban laban .

Tiningnan ko ang buong Underground , Grabe ang daming tao .

Hindi ko inaasahan na makita ang mga taong hindi ko inaasahan .

Bakit sila andito ? Anong ginagawa nila dito ?

DeeJhay's Pov

Nahuli kong nakatingin yung Killer Queen sa amin .

"Nakita mo yun ? Nakatingin siya sa atin ."Chienna

"Oo nga , My ghad ang ganda ganda daw kasi natin ."Janella

"Hoy !! Mga assumera talaga kayo noh !! Halata naman na nagtitingin ng audience si Killer ."Julia

"Panira ka talaga ng Moment noh !!"Janella

"Nye !! Nye !! Shut up ."Julia sabay irap .

"Tumahimik nga kayo , para kayong mga bata ."Diego

"Oo nga , Tumahimik na nga kayo , nag-uumpisa na yun laban ohh !!"Elmo

Nag-uumpisa na nga ang laban . Tiningnan ko yung Killer Queen .

Nakatayo lamang siya at titig na titig sa Leader ng Black Velvet .

Samantalang yung mga kamembro niya ay nakikipaglaban na .

"Killer Queen , Bakit hindi mo tagtagin ang iyong maskara ? Ng sa gayon ay makita namin ang iyong mukha"Leader ng Black Velvet

Kathy's Pov

Nag-umpisa na ang laban at ako eto nakatayo habang titig na titig sa Ex kong gunggong .

"Killer Queen , Bakit hindi mo tagtagin ang iyong maskara ? Ng sa gayon ay makita namin ang iyong mukha"Brett

"Wag na , Baka mainlove ka lang ."Ako sabay suntok at tadyak sa parte na kinaiingatan ng mga lalaki .

"Napakatuso mo talaga Killer ."Brett sabay bato ng mga darts .

Ilag lang ako ng ilag hanggang sa natamaan ako sa braso .

Ouch .

"Mukhang nasaktan ka ."Brett

Tiningnan ko ang aking braso at dun ko lang napagtanto na dumudugo na pala ito .

Pagsisisihan mong nasugatan mo pa ako .

Narinig kong nagsalita si Kira .

"Patay na !! Nasugatan na siya . Delikado ito ."Kira sa kinakabahang boses .

Kaya ba ako kinakabahan dahil may mangyayaring hindi ko inaasahan .

Kumuha ulit ng darts si Brett at pinagbabato sa akin .

Umilag lang akO ng umilag .

Tumalon ako papunta sa kanya at sinakal ang leeg niya .

"Wag na wag mo akong susubukan Brett Smith . Baka ikamatay mo ang laban mo ngayon ."Ako habang sinasakal siya .

Kumuha ako ng darts sa bulsa niya at sinagutan ko ang mukha niya .

"Napakatuso mo Killer . Lumaban ka ng patas ."Sigaw ng isang kamembro niya .

Tiningnan ko yung kamembro niya at agad hinagis sa gawi niya ang darts na hawak ko .

"Hindi mo pa ako kilala Brett Smith ."Ako sabay balibag sa kanya .

"Yan na yung Leader niyo , Ialis niyo na yan . Baka mapatay ko pa yan ng di oras ."Ako sabay talikod bago pa man ako makaalis sa stage ay narinig kong nagsalita pa si Brett .

"Hindi pa ako tapos sayo Killer ."Brett

Nilingon ko siya , at inismirkan .

Mas lalong hindi pa ako tapos sayo .

==================================================================

Thanks :)

Susunod na po ang laban nila Killer at Athena ...

The DAREWhere stories live. Discover now