Walang Laban sa Kamatayan

19 0 0
                                    

Walang Laban sa Kamatayan
Ika-27 ng Disyembre, 2016

Minsang nadinig, tinig ng kamatayan
Hahalik nang mariin saking katawan
Konting ihip ay mababayong tuluyan
Binalot ng dilim, buong kamalayan.

Malamig ang bawat paghago't pagyapos
Mainit na malamig, hawak-hikahos
Yaring dibdib ko ay pinipigang lubos
Hiningang hinahabol wari ng kapos.

Para bang nasadlak sa tinding kawalan
Nagpang-abot ang takot, pangamba'y ramdam
Kung sa pagsuko'y nais na ngang makamtan
Ngunit huli nang matantong, walang laban.

***

                Ang kabuuang sukat nito ay 12.

- JMuntiKatah (Blintzero)

Lahid Sa PithayaWhere stories live. Discover now