Blangkong Nota

22 1 0
                                    

Blangkong Nota
ika-23 ng Hunyo, 2016
06:21Pm. - 06:43Pm.

Kitlin bawat tampupot ng iwing kapanglawan
Limunmon ng pagdurusang tinatangan-tangan
Gawing kawalan nitong awit ng kadiliman
Blangkong nota ang s'ya kong ipasahahantungan.

Wariin mang ikudlit karit ni kamatayan
Ki Bathala digma 'tong rimarim ng isipan
Punyal na panitik baril kung inaanyuhan
Walang aral na mapupulot saking tugmaan.

To'y dulot ng paglalayag sa dalampasigan
Tanaw ang paghalik ng langit sa karagatan
Ni sa pagsilip ni (1)Adlaw sa sansinukuban
Aking pinuksa nang tanglaw ni (2)Bulan mamasdan.

O yaring tulang sinuyod sa kailaliman
Mabingwit na ginto sa gitna ng kahangalan
Pagyamanin mo o aking wikang tinataram
Nang maguhitan ng ngiti ang mukang luhaan.

***

Karagdagang Kaalaman:

(1) Adlaw - ang diyos ng araw sa mitolohiya ng Pilipinas at sa probinsyang pinanggalingan ko ang ibig sabihin nito ay 'umaga'.
(2) Bulan - ang diyos ng buwan sa mitolohiya ng Pilipinas taglay niya rin ang namumukod tanging kagandahan. Kilala rin sa ngalang Mayari.

May sukat itong 14 mula dulo hanggang umpisa.

- JMuntiKatah (Blintzero)

Lahid Sa PithayaWhere stories live. Discover now