Buwayang Lugod

14 0 1
                                    

Buwayang Lugod
ika-10 ng Hulyo, 2016
07:29Am. - 07:59Am.

Hayong (1)mildi ni Saragnaya'y lumukob
Sa sinawing palad ngayon ay susubok
Pinalakol ang oras sa isang sulok
Ulong bitak sa salita'y ilulublob.

Mapagayong mga (2)adelantado sa lipunan
Na kasing wangki ng basurang nakasalansang
Pakalatkalat sa mga desenteng kasuotan
Kubling sahol, limahid, barbarong kahayupan.

Mabuti pa ngang basurero marangal magtrabaho
Naturingang edukado 'di marunong rumespeto
Kung sa taas ng inaral medida ng pagkatao
Mabuting tuligsain kesa kanser ng lipunang 'to.

Natanung ko kung inaral nila'y pagnanakaw
'Pagkat kaban ng bayan sila'y silaw na silaw
(3)Talipandas na mga buwayang dapat mamatay
Pawalang sala'y 'di dapat, tulad nilang (4)limaw.

(5)Hagibis ng isip nais ng magtapos
Tugmaang nilitanya ng boses paos
Ni panitik kong gamit sadyang kinapos
O tigmamanukan salamat ng lubos.

***

          May karampatang itong sukat na (1) 12-12-12-12 (2) 14-14-14-14 (3) 16-16-16-16 (4) 14-14-14-14 (5) 12-12-12-12.

Talasalitaan:

(1) mildi - dilim
(2) adelantado - pangahas; tampalasan
(3) talipandas - tampalasan; walang hiya
(4) limaw - halimaw
(5) hagibis - harurot

- JMuntiKatah (Blintzero)

Lahid Sa PithayaWhere stories live. Discover now