Ikatlong Galak

13 0 0
                                    

Ikatlong Galak
Ika-26 ng Disyembre, 2016
08:29Pm. - 08:43Pm.

Sinlalim ng dagat
Sinlawak ng alapaap
Kamataya'y lalapat
Halik niyang mapagpanggap.

Ako'y magsasaad
Pag-iibigang nilipad
Sa along mapangwasak
Tinangay ang pusong bitak.

Ngayon inalala
Magkapiling - tuwa't saya
Ngiting abot tainga
Sinung makapantay? Wala!

'Di inaasahan
Yayaong kisap-mata lang
'Di mawaring pagdamdam
Pighati'y yapos, kat'wiran.

Sinlalim ng dagat
Sinlawak ng alapaap
Kamataya'y lalapat
Halik niyang mapagpanggap.

***

                Ang karampatang sukat nito ay 6-8-7-8 mula dulo hanggang umpisa.

- JMuntikatah (Blintzero)

Lahid Sa PithayaWhere stories live. Discover now