Ako'y Sasabay

57 3 0
                                    

Ako'y Sasabay
ika-14 ng Enero 2016
09:08Am. - 09:33Am.

Kung kelan malapit na ang katapusan
Tsaka lang gagawin ang lahat ng maaaring paraan.
Sana 'di pa huli ang lahat...
Sana'y mayron pang pagkakataong natitira!

Meron akong nais ibahagi sa inyo
Na unti-unting binanaag ng isip ko.
Wala mang halaga'y bahala na kayo
Husgahan, ang pahinang susunugin ko.

Minsang napagdili-dilian, ang mga bagay-bagay
Na pakiwari bagang perpekto talagang tunay.
Ngunit sa kabila ng katahimika'y kailangang pag-ingatan
Ang sarili, bago matalisod sa iwing mga kahangalan.

'Pagkat ako'y nangangamba sa likod ng kasiyahan
Ay ang pag-iimpok nang paparating na kalungkutan.
Kung sa panaginip man nararanasan ang ganung mga kagalakan
Magkagayo'y tandaan, realidad sumasampal't ang katotohanan.

Kaya't ako ngayon ay naghahanda
Sa pagbabalik ng tanikalang-lumbay
Mayamot ma'y salubungin ang pagdurusa
Sa pagluluksa ng panahon, ako'y sasabay.

Lahid Sa PithayaWhere stories live. Discover now