Hindi tayo Alipin

18 0 0
                                    

Hindi Tayo Alipin
5:23Pm. - 5:51Pm.
ika-29 ng Nobyembre, 2016

Iyong subukan pagmasdan ang kapaligiran
Hinuhain ang simula nitong sanlibutan
Magbaybay sa kasaysayan ng sangkatauhan
Maarok kaya ang talinghagang nilalaman?

Sa mundong hubad bihis sa kasinungalingan
Kunwang gandang handog ng nasa kaitaasan
Alipin ng sistemang 'di batid ng kar'mihan
Nakasusulasok na'y ginagawa pang pagtakpan.

Kung biyayaan ng Diyos na makapangyarihan
Makapagsalitang langgam at ang kalikasan -
Saksi sa paglikha't darating na pagkagunaw
Ng mundong hinihingahan at tinatahanan.

Suriin nating mabuting tunay na kalaban
Buksan ang mga isip - tunay na katarungan
Tayo'y malaya at may kalayaang nilalang
Hindi tayo alipin ng mga perang iyan.

***

                Iyan ang orihinal na tula talaga na may (14) labing-apat na pantig, etong nasa ibaba ay ang labingdalawang sukat nito.

Hindi Tayo Alipin
5:23Pm. - 5:51Pm.
ika-29 ng Nobyembre, 2016

Subukan pagmasdan ang kapaligiran
Hinuhaing simulang sanlibutan
Baybayin, kasaysayang sangkatauhan
Maarok kayang hiwagang nilalaman?

Mundong hubad, bihis sa kasinung'lingan
Kunwang gandang handog ng kaitaasan
Sistemang umaalipin sa kar'mihan
Nangangamoy na'y nagawa pang pagtakpan.

Kung biyayaan ng Makapangyarihan
Makapagsalitang Inang kalikasan -
Saksi sa paglikha at sa pagkagunaw
Ng mundong ating ngayong tinatahanan.

Suriing mabuting tunay na kalaban
Buksan ang isip - tunay na katarungan
Tayo'y malaya't malalayang nilalang
Hindi tayo alipin ng perang iyan.

Lahid Sa PithayaWhere stories live. Discover now