Tayo'y Tagasambot Lang Ng Kanyang Luha

79 1 0
                                    

Tayo'y Tagasambot Lang Ng Kanyang Luha
ika-04 ng Abril, 2016
08:21Am. - 08:53Am.

Manalaytay nawa ang dunong ng pang-unawa
Nang 'di kapitagan ng (1)mayuming panghuhusga
Ako ma'y tao lang ring pagmasid, nadadama
Kainitang sapit ng sandaigdigang aba.

Sa pagsulat nga niring minamahal na tula
Tagaktak ang pawis at numanatak ang diwa
(2)Alkantarilyang nanlimahid sa burak, dusta
Basura'y kalat, sinung may pake? Sinu... Wala.

Nakakalungkot, talagang nakakapanghina;
Dating luntiang gubat ngayo'y kabahayan na,
Dating matayog na bundok pinatag nang sadya,
(3)Alpumbro nang kaguluhan ang dating payapa.

Nasa'n? Mga mamayang may pagpapahalaga?
Sa masaganang handog ng kalikasang (4)'beha
Ngunit kung susubukin hatid nitong pinsala
Tsaka lang (5)matunton "Tayo'y wala lang sa Kanya."

***

Karagdagang Kaalaman:

Tagasambot - tagasalo
(1) Mayumi - palihim
(2) Alkantirilya - kanal
(3) Alpumbro - karpet
(4) ['Beha]Obeha - tupa o sumasalamin sa katangian ng isang tupa.
(5) [Matunton]Talunton - maunawaan

Salamat sa mga pasilip na hatid na tula ni Avon Adarna. Dalawang tula niya patungkol sa kalikasan ang nagbigay sakin ng inspirasyon 'pang ihandog sa kalikasan ang bago kong tula. Naalala ko tuloy sa pagtatapos ng tulang 'to nung mga panahong sinusubukan ko pa lang pagniigin ang realidad at tangang salita (Kung nabasa niyo ang tula kong Alimuom sa koleksyon ko ng mga tula sa Nasa Isip Lang Natin Ang Lahat ay marahil masusundan niyo ang agos ng isip ko.) Masasabi ko sa sariling nakausad na ko kahit papanu sa nagpipilit kumatha (Trying hard kumbaga) patungo sa bagong agos ng aking pagtutugma.

Marami pong salamat sa pagbabasa at pwede niyo rin pong basahin ang mga tula ni Avon Adarna hanapin niyo lang po sa Google isang pindot lang at ihahatid na kayo sa mundong siniksik niya sa kanyang mga tula kung may maibabahagi naman po kayo sakin na mga tula niya mas maganda.

- JMuntiKatah (Blintzero)

Lahid Sa PithayaWhere stories live. Discover now