Ang Nakita niyang Hinaharap

11 0 0
                                    

Ang Nakita niyang Hinaharap
ika-04 ng Oktubre, 2016
09:00Am. - 09:57Am.

Nakita kong katapusan ngunit hindi ang palaisipang simula
Aking namalas ang dahan-dahan na pagguho ng bawat mga bansa
Bawat pirasong dinugtong-dugtong ay nagiging abo sa paapala
Lahat ng pinaghirapan ng tao'y parte na lamang ng alaala.

Aking natunghayan kung papaano nangyari ang pagbagsak ng lahat
Subalit wala ni isang naniwala sa natatanging kakayanan,
Kahindik-hindik na maipasilip ang sinasabi na 'hinaharap'
Na walang ibang laman kundi kabiguan at puno ng pagpapanggap.

Namalas ng dalawa kong mata kung paano unti-unting winasak
Ang sangkatauhan ng sakit na kaganiran sa kapwa n'ya (1)kabalat.
Wala ng moralidad at ang mga turo ng ating mga magulang
Kinalimutan nang sadya at sa kasinungalingan na ay umakap.

Nakapanlulumong makita ang 'di ko dapat talaga makikita
Minsan na ring (2)ipinalahaw at inunyapapa ito kay Bathala
Bakit ako, bakit ako, bakit ako ang siyang sinasadlak-dusa?
Bakit ako ang siyang pinahihirapan mo d'yos ko! At hindi sila!

Bakit? Hindi ko kailanman pinithaya na mapanuod ang lahat
Pakiusap, huwag na lamang po ako ang siya mong lagyan ng bitak
Sa isip, anu ito?! Animo'y mga dugong umaagos na lahar
Ang siyang kikitil na (3)daluyong sa halos lahi ng sangkatauhan.

A-..anu ito pakiusap, ipaliwanag sa akin, anu ito?
Ba-kit?... Bakit? Ang mga naganap na pagsabog ay nasa sa harap ko
Ngu-ngu..nit 'di man lamang ako nagalusan ni madapuan ng abo
Anu ito? Ipaliwanag mo sa akin bakit hawak ko ang mundo?

At ang kinabukasan, ang ki-na-bu-ka-san ay nasa mga kamay ko.

***

Karagdagang Kaalaman;

Talasalitaan:

(1) kabalat - kaparehas ng balat; kapwa tao
(2) ipinalahaw - iniyak ng malakas
(3) daluyong - unos; sakuna

                May karampatan itong sukat na 21 mula dulo hanggang umpisa.

- JMuntiKatah (Blintzero)

Lahid Sa Pithayaحيث تعيش القصص. اكتشف الآن