Asul

43 2 0
                                    

Asul
ika-14 ng Abril, 2016
07:25Pm. - 07:45Pm.

Asul, ang kulay ng alapaap
Hayaan mong paningi'y maglakbay
Damhin ang lambot nitong mga ulap
At abutin ang mga talang lantay.

Asul, kulay din ng kadagatan
Salaming-lawak ng kalangitan
Mabuting ako'y iyong samahan
Sisirin itong kaibuturan
Papunta sa kanyang kaharian
Ki Poseidong hirang, ginagalang
Kasama ang kanyang mga katuwang
Sirenang anaki'y paraluman.

At kinakailangan kong 'yong kamay
Sa pagpunta doo'y may karamay
Siyudad ng nilukubang lumbay
Nawa'y ingatan ng 'di mamatay.

Asul, ang nasasaakin ngayon
Nang matakasan ang realidad
At sa paglalakbay ng panahon
Katuwang ang nakapintang kulay
Walang pag-asang magbagong-buhay
Asul, ang nasasaakin ngayon
Ngunit ayuko nang kulay asul
Ang aking nais na'y makaahon.

***

'Di po sakin ang orihinal na idea nang tulang 'to. Ang balangkas at kaisipan nito'y hango sa tula ni Sir cursedbypen/mysterious_aries sa koleksyon niya ng mga tula sa Circle Of Life na may pamagat na Blue. Marapat lang na mabasa niyo ang orihinal na may katha ng balangkas ng tula kong 'to.

So pakicheck na lang po ang mga tula niya nang mapasok niyo ang mundong kanyang nililikha sa pamamagitan ng tula.

Yun lang po, salamat.

- JMuntiKatah (Blintzero)

Lahid Sa PithayaOnde as histórias ganham vida. Descobre agora