Siklo

11 0 0
                                    

Siklo
ika-20 ng Hunyo, 2016
08:53Pm. - 09:22Pm.

Haraya'y naniningalang-pugad saking (1)dungan;
Taluntunin ang tulak ng dibdib at isipan,
Ipinta sa (2)idhimpapaw lantay nang pagsilang,
Sa pagbuno sa panaho'y masusing ukitan,
Mga paglalakbay, karanasa't kabiguan,
Ay ang pagbangon sa tudla nitong inialay.

Sa (3)dunggot nitong pitang buhay (4)saro man lamang;
Kung hindi umuwing wagi'y iiling talunan,
Kung hindi pinalad ay sampal ng kamalasan,
Kung hindi kagalaka'y (5)liyag ng kalungkutan,
Kung hindi (6)matatamo ang itinitingala
Pagod ay basura, humandusay ng 'lang luha.

Ngunit (7)pagniniigin pa rin panulat tinta
Tangang halimunmon ng mga letra't (8)akindiwa.
Anong papares sa hatid na buhay ng lupa?
Kung ang patutunguhan nati'y dito papunta.
Sa bulaklak, halama't puno'y maging pataba
Paikot-ikot lang sa siklo, 'di ba halata?

***

Karagdagang Kaalaman;

Talasalitaan:
(1) dungan - kamalayan
(2) idhimpapaw - himpapawid
(3) dunggot - dulo
(4) saro - isa
(5) liyag - minamahal
(6) matatamo - matutupad
(7) pagniniigin - pag-iisahin
(8) akindiwa - aking diwa

         Kung may mga malalalim pa rin akong salita na hindi binigyan nang pakahulugan at kung papaano ko ito ginamit ay sa kadahilinang maari itong sawikain. At mula ngayon itatala ko na kung anu ang sukat ng aking mga tula. May mga ilan lang na sa tingin ko ay nagkabuhol-buhol na sa sobrang paglalaro ko sa salita.

May 14 itong sukat mula sa katapusan hanggang sa umpisa. Ang totoo niya'y kakatha sana ko ng bagong panimula at balangkas ng 'Makatang Nabigo' subalit bayo ng panahon at tawag ng charger hayun napilitan akong wakasan agad ang dapat ay makapagbagbagdamdaming tugmaan sa sulatan.

Ayun lamang sa pahinang ito.

- JMuntiKatah (Blintzero)

Lahid Sa PithayaWhere stories live. Discover now