Palalaan

49 2 2
                                    

Palalaan
ika-14 ng Abril, 2016
09:55Am.

Palalaan este Paaralan;

Kung san sinusuotan ang mga hubad nating isipan,

Kung san tayo natutong magsulat, magbasa, magtanong at mag-aral,

Kung san din tayo natutong magsaliksik at alamin ang dapat sa tama sa kabalintuanan at katotohanan. Ngunit saking muling pagtapak sa isang Paaralan, bakit tila lantaran ang dayaan?

Ika-11 ng Abril, 2016.

Muli kong tumungtong sa Paaralan, sa isang mataas na paaralan na malapit lang sa Paupawan (Kung san ako ngayon naninirahan) at sumambulat ang mga estudyanteng nagkita-kitang muli sa pagtatapos ng kani-kanilang klase.

Kuhaan na ng mga Report Cards at ang iba'y natunghayan ko kung panu nila hamakin ang kapwa nila mag-aaral nang dahil lang sa mas mataas sila dito ng ilang puntos. May mangilan-ngilan naman akong nakita na nagbibiruan, nagkakanchawan at nagkakatuwaan sa mga grado nilang palakol.

Kung ganu kinababa ng grado ay ganun din sila kasaya samantalang ang mga nagtataasang mga grado kesa kanila'y 'di kuntento sa mga nakuha nila. A common cliche ika nga sa mga estudyante sa isang paaralan.

Ang lata nga naman kapagka walang laman maingay samantalang tahimik ang latang may laman.

May mga estudyante rin akong mga nakitang ilag sa mga grupo-grupo ng mga breezy boys, spicy girls, pabebe boys, pabebe girls, kapisanan ng mga nerd sa klase at kung anu-anu pang kanegnegang gusto nilang tawag sa mga grupo nila.

Masyado kong nawiwili sa Paaralang 'to dahil sa mga naririnig ko sa mga kaibigan ko mapa-average student man o nagsusunog ng kilay. Tila ba gusto ko uling bumalik sa highschool para baliin ang umiiral na sistema sa paaralang 'to. Ang sistema ng palakasan, pasipsipan at kung anu pang "pa" parang lang makakuha ng matataas na marka.

Kto12 na pero bakit parang andun pa rin ang sistema? Ang Caste System. Pinangako ng mga guro na wala nang babagsak pero bakit andami kong nakikitang singko?

Anung nangyayari?

Balita ko may proyektong pambubulsa na naman kayong iminumungkahi sa mga magulang ng mga mag-aaral para lang pumasa ah? (Hay nigga, ba't ba andaming mga mukang pera ang hirap na nga ng buhay mas pinapahirap pa netong mga buwaya.) Balita ko rin may dinoktor kayong grado sa isa sa mga estudyante niyo ah? Nilalaban sa mga paligsahan dalawang beses sa buong taon para maipakilala ang paaralan niyo at ang ibinigay na Average, 79?

Sir, Mam? San galing yung 79, san galing yung 79 na yan?

Napa do re mi na naman ba kayo o simple mathematic 1 2 3? Anung equation ang ginamit niyo? Hula times the number of absent divided it by the actual performance equals bahala na si batman?

Anung kahunghangan yan?! Pakiexplain.

Nung unang markahan ang tataas ng binigay niyo pero pagdating ng kuhaan ng kard sa pagtatapos ng pasukan ba't burado? San galing ang pinanghula niyo? Nagmamagic na rin pala kayo?

Hanep pala kung ganun edi sa Paaralan niyo na lang ako papasok. Tutulugan ko ang buong klase niyo, babastusin ko kayo tas mataas na marka ang ibigay niyo ha?

Multi-talented pala kung ganun ang mga Guro sa Paaralang 'to. Multi-course din siguro ang mga kinuha. Tulad nang pandodoktor ng grado, panghuhula at pagmamagic? Kung ganun palakpakan naman natin ang mga putapeteng 'to. Nakakatulong kayo sa pag-ahon ng bayang lubog sa kumonoy ng karalitaan, oo nakakatulong kayo! Sobrang nakakatulong kayo!

Nakakatabang mag-aral sa ganyang Paaralan kung akong tatanungin niyo 'di ko malaman kung sang pahulaan niyo ipinahula ang grado para makakuha ng 79.

Sayang ang pawis at perang ginastos ng mga mga magulang sa kanilang mga anak na pinag-aaral kung sa Class Record niyo pala ay isang malaking pahulaan.

Lupet niyo chong, chang ang sarap niyong ireklamo sa Dep Ed. Sarap ipalo yang class record niyo sa mga muka niyo.

Hindi naman kasi mahalaga kung ganu kataas ang academic grades mo o kung gaanu kahaba ang oras na ginugol mo para kabisaduhin ang isang libro. Ang mahalaga, kung ikaw ba talaga'y natuto?

Sa isang klase malamang kayang kaya ng isang guro na turuan silang lahat mapatrenta man o doble, triple sa nabanggit kong bilang. Lahat pdeng maturuan pero 'di lahat matututo.

Aanhin mo ang libro kung 'di naman maapreciate ng tinuturuan mo ang kahalagahan neto at ipinunta niya sa paaralan, umupo ng ilang oras sa upuan para makinig sayo.

Alalahanin mo naging studyante ka din, naging palamunin ka din ng papel, tinta at kung anung kaekekan sa klase. 'Wag mo sanang kakalimutan ang karma nakasunod palagi.

***

Ika-13 ng Abril, 2016 12:38Pm. - 01:44Pm. ang orihinal na petsa't oras kung kailan ko natapos 'to. Inedit ko lang ng kaunti at handa na para ihapag.

- JMuntiKatah (Blintzero)

Lahid Sa PithayaWhere stories live. Discover now