Walang Patutunguhan

29 2 0
                                    

Walang Patutunguhan
ika-09 ng Hunyo 2015
08:22Am. - 08:35Am.

Habang (1)tinatalunton ang mga nagdaang araw
(2)Naparaol sa (3)haraya niring abang punding ilaw
Kumutitap man sa maliwanag na langit ay
Walang matatamo, kahit isa, wala, ni isa, hay!

Pagal man paindakin ang punyal sa iwing palad
Baril na nakasukbit, kinalawang nang hubad
(4)Pupitre ng mga bala'y walang pagsalang pinaslang
Bagbagang hanggang kamataya'y naging walang m'wang.

Napauwi ang (5)namamahay na mandirigma
Sa palitan ng kargang (6)tanga'y kinapos ngang sadya
Anung adhikain mo sa pakikipaglaban?
Kung inosenteng mga bata na ang tinatamaan.

***

Karagdagang Kaalaman;

(1) tinatalunton - inaalala
(2) naparaol - nagpatangay
(3) haraya - imahinasyon
(4) pupitre - sisidlan
(5) namamahay - naninibago
(6) tangan - ang binabanggit kong tangan diyan ay 'bala'

Lahid Sa PithayaWhere stories live. Discover now