Malinaw Na Mensahe

36 2 2
                                    

Malinaw Na Mensahe
ika-14 ng Abril, 2016
08:09Pm. - 09:04Pm.

Sa letra ipanadaisdis ang paghihimagsik
Sa iwing realidad nawa'y matagumpay mapaknit
Bulong ng isipa'y isiniksik sa bawat titik
Dilim ang aking katuwang, lumbay aking (1)kinikilik.

Saan hinango ang karimlan ng iwing kaisipan?
Saan papunta ang mga taong nasa kadiliman?
Anung maitutulong ng kathang puro kalungkutan?
Anung bigat ng tula mo sa kanilang timbangan?

Alam ko, hindi ko rin alam kung saan nagmula
Ang lalim ng isipa't karimlang ulap niyang dala
Mga katulad ko saan nga ba talaga papunta?
Sagot ay ikaw, 'nung maitutulong mo sayong kapwa?

Anu nga bang hatid ng tulang walang kakulay-kulay?
Kawalang pag-asa? Kalungkutan sa mundong patay?
Anung aral ang ipapares mo sa ginto, (2)kalayaw?
Kung ang kelangan mo lang talaga'y makakaramay.

Sa likod ng malumbay na lirang aking nilikha
Ay ang paghahangad na makalasap ng ngiting saya.
Karahasan, kapighatia'y 'di hatid sa madla
Mensahe ay malinaw "Kelangan namin ng kasama".

***

Karagdagang Kaalaman:

(1)Kinikilik - dinadala
(2)Kalayaw - kasakasama

- JMuntiKatah (Blintzero)

Lahid Sa PithayaWhere stories live. Discover now