Dilang Paurong

8 0 1
                                    

Dilang Paurong
Ika-09 ng Hulyo, 2016
10:56Am. - 11:09Am.

Aking kahinga'y munting pluma at kwaderno
Sa paglalayag sa harayang mapaglilo
Lansiing kapakipakinabang ng wasto
Ng 'di mahibang sa hiwagang taglay nito.

Buslo nitong karunungan at tudla ng dila
Ingatan ang bawat titik na isasalita
Kung iisipi'y napakaliit namang sadya
Ngunit hatid nitong pinsala'y hindi matatwa.

Siyasating mabuting sarili bago manghusga
Madali lang magturo ng 'di alam ang may sala.
Piring kang humarap ngunit talikod kung manila
Ganyan talaga ang mga duwag nananamantala.

***

          May karampatan itong sukat na (1) 13-13-13-13 (2) 14-14-14-14 (3) 15-15-15-15.

- JMuntiKatah (Blintzero)

Lahid Sa PithayaWhere stories live. Discover now