Unawain ang Talinghaga

28 2 2
                                    

Unawain ang Talinghaga
ika-09 ng Hunyo 2016
11:25Am. - 11:58Am.

Hindi ka ba naririndi sayong naririnig
'Di ka ba nagsisisi sa pagtikom ng bibig?
Anu sa tingin mo ang tama, kung saan ka papanig?
Kung mismong katotohanan nga'y hindi mo nababatid.

Kapag buhol ang sinulid ay kailangan ng putulin
'Wag ka ng makisawsaw kung manghahamak ka lang rin,
Kapagka gabi nga'y dun lang matatanaw ang bituin
'Wag mong sabihing tama ka nang 'di nananalamin.

Malumanay at mahinahon mong pagmasdan ang paligid
'Wag hayaang maunawaing isipan kalauna'y kumitid
Hayaang sarili'y (1)umikilkil sa hamog na tumakip
Nang tuluyang maliwanagan at pangaralan ang isipang pihit.

"'Wag idaan sa (2)tungyayaw at panghuhusga sa kapwa kung iba at magkasalungat kayo ng iwing mga paniniwala. Matutong magbigay galang ng 'di na makapanghiwa unawain ng malalim na ang mundo'y punong-puno ng talinghaga."

***

Karagdagang kaalaman;

(1) umikilkil - mang-usisa
(2) tungyayaw - masasamang salita na nauusal ng isang indibidwal na maaring makapanakit ng iba bunsod ng matinding nararamdaman na galit.

- JMuntiKatah (Blintzero)

Lahid Sa PithayaWhere stories live. Discover now