Maikli lang

17 0 0
                                    

Maikli lang
Ika-28 ng Hunyo, 2016
10:16Am. - 10:47Am.

Ako'y may munting kwento sa inyo
Mula pa sa pagbaybay sa lilo
Pagsuyong sinubok, pinagtagpo
Haya't winalang hanggang pagsuyo.

Singnasa ki (1)bakunawa sa bwan,
Pag-ibig sa anak ni (2)Magwayan,
Yamang hangad ng sangkatauhan
At walang hanggan na kahangalan.

Hamak na binatilyong balisa
Sinapit na (3)palad sa pagsinta
Mundong balot ng mga balintuna
Nasaan sa kanya'y tinadhana?

Mapadako sa ibang ibayo
Naroon binibining pinako -
Ang kagandahan at pagkaamo
Kahit sinu'y lalaglag ang puso.

Minsan mang pagniigin sa lugar
Bigyan pagkakataong magmahal
Ligayang 'di abot magwawakas
Hatid ay dalamhati ninuman.

Nag-umpisang mabuti ang lagay
Subalit nagtapos ng biglaan
Wala pa sa gitna'y winakasan
(4)Kabaak n'yang hinatid sa (5)Sulad.

Gayong maglansi ang kamatayan
Higit sa dilim ni (6)Saragnayan
Ang buhay ay napakaikli lang
Na mamatay ng may kabuluhan.

***

Karagdagang kaalaman;

Talasalitaan;
(1) bakunawa - isang malaking halimaw na maladragon ang itsura sa mitolohiya ng ating bansa na sinasabing kumain ng anim na buwan sa orihinal na pitong buwan na nilikha ni Bathala na naging dahilan upang maging magkaaway ang dalawa.
(2) Magwayan (o Maguayan) - ang bathaluman ng dagat at kamatayan. Orihinal na mula sa mitolohiya ng mga taga-visayas. Sinasabing iniibig niya ng sukdulan ang kanyang anak na si Lidagat kaya't ng mamatay ito ay nagdulot ito sa kanya ng labis labis na dalamhati at naging dahilan upang maging bathaluman siya ng kamatayan at maging tagahatid ng mga kaluluwa sa Sulad.
(3) palad - ginamit ko ang salitang 'to bilang 'kapalaran'.
(4) kabaak - kasintahan
(5) Sulad - mundo ng mga patay.
(6) Saragnayan - diyos ng kadiliman sa mitolohiya ng mga taga-visayas.

May sukat itong 10 kada taludtod.

- JMuntiKatah (Blintzero)

Lahid Sa PithayaWhere stories live. Discover now