thirty one: his promise

1.4K 32 0
                                    

Song: on this day
Kung meron kayo niyan pakinggan niyo habang binabasa ito :)

***
Chapter thirty one: His Promise


Nandito ako ngayon sa tapat ng simbahan at suot suot ang puting gown na sikretong pinatahi ni Shin para sa araw ng kasal namin ngayon. Hawak hawak rin ang boquet ng mga puting rosas ay huminga ako ng malalim at naglakad papunta sa malaking pinto ng simbahan. Itinulak ko iyon at bahagya itong bumukas, bumungad naman sa akin ang mga puti at pulang rosas sa sa paligid at ang napakagandang altar na may malaking chandelier sa taas. Ngumiti ako at naglakad sa aisle. Dahan dahan... Bawat hakbang ay aking dinadama habang nakatingin kay Shin na nakatayo sa tabi ng altar, ngumiti rin siya at gumanti rin ako ng ngiti.


Nasa gitna na ako ng aisle nang mapawi ang magandang ngiti sa aking mukha nang maglaho si Shin sa altar. Nawala ang saya sa aking puso at napalitan ito ng lungkot habang unti unting namasa ang aking mga mata.



"Solemn, listen... I am going to save you. You are not going to marry that bastard because you are just perfectly made for me. I promise everything's going to be fine. I promise..."




Isa isa na namang nag unahan sa pagpatak ang aking mga luha at halos madurog ang aking puso habang nakatayo sa gitna ng aisle. Wala si Shin. Wala ang mga bisita. Wala si mommy. Wala si Hiro. Wala ang tugtog. Wala ang pari at ang tanging bride lang ang nasa loob ng simbahan. Tanging ako lang ang nabuhay... Ang nakaligtas... Ako lang... At ang sakit sakit!


Ngumiti ako ng mapait habang lumuluha. Lumuhod ako sa aking kinatatayuan at doon ay muli akong sumigaw. Muli kong iniyak ang sakit at lungkot na aking nararamdaman.


"S-shin... Nasaan... N-nasaan na ang p-pangako mo?... Bakit... Iniwan m-mo ako?! Bakit?!... S-shin! S-sabi m-mo ikakasal tayo!... Sabi mo magiging m-maayos ang lahat!... Nangako ka, s-shin... Nangako k-ka pero... Nasaan ka na?! Sabi mo mahal mo ako pero bakit mo ako iniwan?! Bakit mo ako iniwan shin?! Bakit?! Mahal na... Mahal na mahal na mahal.. kita... Shin... Nangako ka pero paano mo tutuparin iyon... Kung wala ka na? I love you, babe..."


Iniyak ko lang ang lahat doon. Hindi ako napagod. Hindi ako tumigil. Kahit ilang oras man ang lumipas ay nagpatuloy ako sa gitna ng simbahan. I looked pathetic. I looked fragile. I looked broken which I was, because the love of my life died.


And now,

I am a broken bride wishing that My Shin would be here beside me.

***

Naiiyak ako habang tinatype ko ito. Huhuhu :( naiyak rin ba kayo?

Lovelots,
Pinkiepurpy

The Mafia & The Golden Fairy II : Uncrowned QueenWhere stories live. Discover now