Sixteen: The Escape

1.5K 47 0
                                    

Chapter sixteen: The Escape

Enjoy reading! ;)

***

Basil pov

Masakit ang buo kong katawan, kahit ang gilid ng labi ko ay mahapdi kaya napangiwi ako. Sinubukan ko namang idilat ang aking mga mata ngunit para bang may pumipigil dito, iginalawa ko din ang kamay at paa ko pero mukhang nakagapos ako sa isang upuan. Shiz! Anong nangyari sa akin!?

Sinubukan kong isipin kung paano ako napunta rito pero wala akong matandaan. Wala naman akong nakaaway na mga basagulero o gangsters kagabi, wala rin naman akong pinaiyak na mga babae. Paano ako napunta sa ganitong kalagayan?

Nag isip ulit ako kung ano ang huli kong ginawa kahapon. Tama! Sinundan ko si Liane... Umalis ako ng restaurant... Sumakay ng kotse...

Napaigtad ako bigla at nagpanggap na walang malay ng makarinig ng pagbukas ng pinto, hindi ako umimik ng tampalin ng walang hiyang kutong lupa ang maputi kong pisngi. Lagot ka talaga sa akin kapag nalaman ko kung sino ka! Muli ako nitong tinampal ngunit mas malakas keysa sa una kaya pasimple akong napangiwi, nanatili pa ring nakayuko ang aking ulo at narinig ang paglakad ulit ng sino man paikot sa akin.

"tsk. Nasobrahan yata sa pampatulog ang isang to." rinig kong sambit niya.

Tsk! Naalala ko na! Bumunggo ang aking kotse dahil sa biglang pagsulpot ng nakamask na babae sa aking likuran at pagturok nito ng karayom sa aking leeg. Kaya rin siguro masakit ang aking tiyan. Pero damn! Paboritong sasakyan ko yung nabangga!

Muli kong narinig ang pagbukas ng pintuan at ngayo'y mas maraming yabag na ng sapatos ang aking narinig, sa tingin ko tatlo sila.

"bantayan niyo yan. Darating si Sinclair mamaya, siya ang bahala sa bihag." baritonong sabi ng kaninang lalaki bago ko narinig ang muling pagsara ng pinto.

Hindi pa rin ako gumalaw. Ayoko pang mabangasan ang gwapo kong mukha, dahil pagtatawanan ako nila Fritz. Minuto... Oras... Araw? Ewan... Pakiramdam ko napakatagal kong nagpapanggap na tulog at walang malay hanggang sa makarinig na lang ako ng ilang mga pagkalabog. Nanigas ako sa aking kinauupuan ng maramdaman ang papalapit na presensiya.

Isa na namang pagcrack ng buto ang pumaibabaw sa tahimik na kwarto at pusa! Wala akong alam sa mga nangyayari! Ang hirap ng nakablindfold at nakagapos!

"Basil Davidson." mas lalo akong nanlamig ng magsalita ang malamig na boses na iyon at lumuwag ang tali sa akin. Mabilis ko naman ding inayos ang sarili at tinanggal ang tela sa aking mata.

"B-boss!" alerto kong sabi at nakatanggap ako ng malakas na suntok sa mukha. Tumumba ako sa tabi ng duguang lalaki ngunit agad din akong tumayo.

"Look for Thyme at the basement." seryoso niyang sabi, tumango naman ako at nauna ng lumabas si boss. Kinapaan ko naman yung isang lalaking nakahandusay at kinuha ang baril nito.

***

Thyme pov

Bwisit talaga! Sinubukan kong tanggalin ang pagkakatali ng aking kamay sa likod, kahit ang paa ko rin ay nakagapos pero bwisit talaga! Aish! Napakagat na lang ako sa telang nakabusal sa aking bibig habang pinipilit gapangin ang pinakamalapit na lamesa. Mula kasi rito sa sahig ay kita ko ang nakapatong na dagger roon.

Namumuo na rin ang pawis sa aking noo pero hindi ako pwedeng sumuko agad agad. Lintik lang ang walang ganti! Sisiguraduhin kong magbabayad kung sino man ang dumukot sa akin, at yung kotse ko! Shiz! Baka nacarnap na 'yon!


The Mafia & The Golden Fairy II : Uncrowned QueenWhere stories live. Discover now