Twenty nine: He will come

1.4K 45 4
                                    

Chapter twenty nine: He will come

"Thyme." Di makapaniwala kong banggit sa kaniyang pangalan. Ngumiti naman ito at sinarado ang pintuan bago ko itulak palapit sa kama.

"Ma'am Solemn, hindi matutuloy ang kasal. Pangako iyan." Ngiti niya sa akin bago iabot ang kaniyang phone.

"Bakit?" Taka kong tanong at bigla namang nagvibrate yung phone.

Tinignan ko yung hawak na phone habang nagvivibrate ito sa aking kamay at halos maluha ako. Nakaregister ang number at pangalan ni Shin sa screen. Tumatawag si Shin. Tumatawag ang aking mahal...

"Ma'am, sagutin niyo na po."

Tumango ako at inislide ang daliri sa screen ng phone bago ito dahan dahang inilapat sa aking kaliwang tenga. Ngayon ko na ulit maririnig ang boses ni Shin at halo halong emosyon ang aking nararamdaman habang hinihintay ang kaniyang pagsalita sa kabilang linya.

"Babe?..."

Ang malamig at mababaw niyang boses. Si Shin nga... Hinayaan kong tumulo ang mga sariwang luha sa aking pisngi habang di mapigilang mapangiti at malungkot.

"S-shin... Kamusta ka na? Are you hurt? Napuruhan ka ba? S-shin... Okay ka lang ba?" Garalgal kong sabi.

"B-babe, are you crying?"

"No. Hindi ah." Mabilis kong sabi at tumalikod mula kay Thyme.

"Stop crying. Wag ka nang umiyak dahil baka mapilitan akong pumasok diyan sa cabin room mo."


"Anong ibig mong sabihin?"

Silence... Hinintay kong magsalita si Shin ngunit nakabibinging katahimikan lang ang kaniyang itinugon.

"Shin?"

"Solemn, listen... I am going to save you. You are not going to marry that bastard because you are just perfectly made for me. I promise everything's going to be fine. I promise..."

Naiiyak na naman ako. Hindi ko na naman mapigilan ang mga sariwang luha na pumatal mula sa aking mga mata. Gustong gusto ko siyang makita at yakapin. Gustong gusto kong hanapin si Shin at tumakbo palayo kasama siya kung saan walang gulo, walang mafia, at walang ibang hahadlang sa aming dalawa.

"Panghahawakan ko iyang pangako mo, Shin. Hihintayin ko yan." Pinilit kong ngumiti habang pinupunasan ang mga traydor kong luha.

"But promise me something, babe." Napatigil ako at nagtatakang napatingin sa kawalan.

"Promise me that you are going to marry me after all of this sh1t. Promise me that you'll walk at the aisle and I'll be on the altar waiting for you. Promise me that you will love me forever, babe. That you will stay... That you're mine... That will grow old together. Promise me, babe..." Mahabang lintanya ni Shin na halos tumagos na sa aking puso.

"Shin... I promise.... I promise will be together.... I promise." Umiiyak kong sabi. Anong magagawa ko? Kahit sa ganitong sitwasyon ay hindi ko mapigilang  maging emosyonal pagdating sa aking mahal.

"Then... Will you marry me?"

"Y-yes.... I will, shin. I will marry you. I love you, babe..."


"That's settled then. I love you, babe. Just wait and everything in the mafia will end. I will protect you. I promise." Huling sabi ni Shin bago ibinaba ang tawag.

Pinunasan ko naman ang aking pisngi at ibinalik kay Thyme yung phone. Ngumiti naman siya sa akin bago ibinalik iyon sa kaniyang bulsa.

"He is planning to marry you tomorrow, ma'am." Biglang sambit niya.

The Mafia & The Golden Fairy II : Uncrowned QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon