Three: Almost

2K 69 9
                                    

Chapter three: Almost


Almost, almost is never enough...so close to SEEING HER?!


HI! mga loyal readers ko :) suggest naman kayo ng name ng isang girl, yung simple lang. Gagamitin ko for the next chapter and so on.

***

Fritz Pov



Dumiretso agad kami sa opisina ni boss pero bago iyon ay nadaanan pa namin ang umiiyak niyang secretary. Napakaikli ng skirt nito at fitted ang white blouse niyang suot na halos makita na ang bra dahil sa nipis nito. Iba talaga ang charisma ni boss!


"bakit ka umiiyak?" ngising tanong ni Basil kaya gulat na nag angat ng tingin yung secretary.


"I was fired!" hagulgol niya lalo bago tumakbo paalis. Napatigil naman ako habang nakatitig pa rin sa pinag alisan nung babae. Dahan dahan ay sabay pa kaming lumingon ni Basil at—


"hahahahaha! Mukhang clown!"



"yung make up niya kulay itim! Hahahahaha!"




"kulay itim rin yung pisngi! Hahahaha! Parang may grasa yung mukha! Epic! Hahahaha!"



Hagalpak namin sa hallway. Grabe kasi talaga! Hahaha... Tapos ang panget pa niya umiyak!


"Hahahah...ha...ha... Boss!" saludo ko agad ng makita si boss na nakatayo sa labas ng opisina niya at masamang nakatitig sa aming dalawa. Hindi nagsalita si boss at pumasok ulit sa opisina niya ng hindi sinasara ang pinto nito kaya agad kaming sumunod roon.



"Find me a new secretary." malamig niyang sabi sa telepono sa desk niya.



Naupo naman ako sa sofa at si Basil naman sa harap ko, ilang beses pa akong napalunok ng hindi na magsalita si boss at namayani na lang ang nakakabinging katahimikan.


"boss?" tawag ko, hindi siya sumagot pero alam kong nakikinig na siya. "Yung mansion nila. Under renovation na." dagdag ko pa at doon na siya nag angat ng tingin at nagtama ang tingin namin. Shit! Nanlamig ako bigla!


"then, just continue with your job." seryoso niyang sabi bago bumalik sa pagbabasa ng mga papeles. Sabi ko nga matutuwa si boss ee...


Napalingon naman ako kay Basil na ngingisi ngising nakatingin sa akin. Hinagis ko sa kaniya yung tabing unan at umilag lang ito. Bwisit ka!



"Tara na? Inaantok na ako eh." tayo ni Basil kaya tumayo na rin ako at nagpaalam kay boss. Pagkalabas pa lang ng opisina ay doon na ulit humagalpak ng tawa yung baliw kong kasama.


"hahahaha! Pahiya konti!" turo niya sa akin kaya mabilis ko siyang binatukan "masakit bro!"


"dapat lang yan. Kapag si boss naingayan ulit dadanak ang dugo natin!" patiuna ko at iniwan na siya roon.


***
Sora pov


Matapos magbasa ng mga e-mails sa laptop tungkol sa kompanya, mga business meetings and reports ay lumabas muna ako ng hotel room para magpahangin. Hindi ko na rin namalayan na gabi na pala, kaya bibili na lang siguro muna ako sa malapit na convenience store. At dahil under renovation ang Woldart's Residence kaya magis-stay muna ako rito for five days.



"Good evening, ma'am" bati nung guard pagkalabas ko ng hotel, tumango lang ako at hindi na siya nilingon pa.


At dahil wala nga pala akong sasakyan ay pinili kong maglakad lakad na lang, nagbabasakaling walking distance ang convenience store. Masarap at malamig ang simoy ng hangin ngayong gabi, idagdag mo pa na tahimik na ang kalsada, dahil na rin siguro sa Alas diyes na ng gabi.



The Mafia & The Golden Fairy II : Uncrowned QueenWhere stories live. Discover now