Twenty two: Explosion

1.3K 35 0
                                    

Chapter twenty two: Explosion

River pov

Sa lakas ng pagyanig ng sahig ay sumalampak ako bigla rito. Matapos umamin kay ma'am Solemn ay biglaang pagsabog ng kalahati ng kaniyang opisina ang nangyari. Nawasak ang kalahati ng opisina at nagkalat ang mga pirapiraso ng salamin at bato, ang mga kurtina naman ay unti unti nang inuubos ng apoy. Mabilis naman hinanap ng aking mata si ma'am ngunit wala siya sa kaninang kinatatayuan. Nasa'n siya?

Napailing na lamang ako sa naisip. Imposibleng mahulog siya sa nasirang parte dahil sa lakas ng pagsabog. Imposible.

"argh!" takip ko sa aking ilong nang makalanghap ng makapal na usok, mula sa sahig ay tumayo ako upang hanapin si ma'am Solemn.

Nandito pa siya. Sigurado akong maaaring tumalsik at nawalan lang siya ng malay. Sarkastik man tignan dahil binabalak ko siyang tulungan ngayon, gayonpaman ay pwede ko namang iwan at hayaan na lang siyang mamatay, ngunit hindi kakayanin ng konsensiya ko ang bagay na iyon.

Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito. Nangako ako sa lider ng SMO na hindi ko sila tratraydorin, pero nang makita ko ang mga mata ni ma'am Solemn doon ako natauhan. Punong puno ng emosyon ang kaniyang mga mata pero mas nangingibabaw dito ang lungkot ng pagkawala. Hatred, longing, and revenge. Sa sandaling iyon ay nakita ko ang sarili ko sa kaniya. Isang babaeng nangungulila para sa isang tao, isang babaeng naghahanap ng hustisya at paghihiganti. Parehong pareho kami dahil nawalan din ako ng kapatid.

"Ma'am! Ma'am Solemn!" tawag ko sa kaniya ngunit walang sumagot.

Napupuno na rin ng usok ang buong palapag at hindi ko na rin masyadong maaninag ang paligid.

"Ma'am! Ma—"

"Magaling, River. Magaling at nagawa mo kaming traydorin."

G-george...

Nanlalaking mata akong napalingon sa aking gilid at mula sa usok ay lumabas ang pigura ni George kasama ang babae niyang kambal na si Daishu. Ang troublemaker na kambal. Ang loyal killers ng SMO. Poison and bombs expert twins.

Bahagya akong napaatras nang ngumisi si Daishu. Ang mahaba nitong puting buhok ay bahagyang magulo at natatakpan ang kalahati ng kaniyang mukha, sa kanilang dalawa siya ang Science genius. Magaling sa mga experiments at paggawa ng mga lason.

"a-anong ginagawa niyo rito?!" buong tapang kong bigkas at tumawa lang si Daishu.

"Narito lang naman kami para maningil, River. You know the consequences of your action. It's death." ngisi naman ni George habang nilalaro laro ang mahabang blade sa kamay.

Siya naman ang brutal killer sa kanila. Ang offense ni Daishu at close ranged fighter. Di katulad ng babae ay mas malakas si George dahil nga sa lalaki ito. Sa kanilang dalawa siya ang playful killer. Bago ka nito patayin ay paglalaruan ka muna niya, parang si Cello Alcaster. Mapaglaro at gustong dinadahan dahan ang proseso ng pagkamatay ng isang tao.

"Hindi ko akalaing ilalaglag mo kung nasaan si Hix Robert. Tsk, tsk." dagdag pa niya habang pasimple kong tinitignan ang paligid upang humanap ng sandata laban sa kanila.

"Sana alam niyo rin ang pakiramdam ng mawalan." giit ko "Nawalan siya ng kambal. At kayong dalawa... Paano kung isa sa inyo ang mawala?"

"wala kami sa posisyon niya, River." kunot noong sambit ni Daishu. "isa pa mamamatay ka na lang rin naman."

"tss. Tama lang talaga na nilaglag ko kayo. Ilang buwan na ako sa SMO,pero ni isang update tungkol sa kapatid ko ay wala akong nakuha. Sinungaling kayo." inis kong sabi bago akmang tatakbo, ngunit mabilis na nagcartwheel si Daishu upang harangan ang daraanan ko.

Tinabig ko naman ang kaniyang braso at binigyan ito ng malakas na suntok sa tiyan. Sumunod naman ay si George na mukhang ngayon lang natauhan sa kambal, hawak ang kaniyang blade ay iwinasiwas niya ito sa aking harapan at pilit ko namang iniiwasan ang bawat pagdampi nito sa aking balat.

Sinubukan ko namang sipain ang kaniyang tuhod ngunit mabilis siyang nakailag at sinugatan ang aking braso. Talo na!

Ramdam ko ang pag init ng aking braso at unti unting pamamanhid ng sugat nito. Umikot naman ako at binigyan siya ng malakas na sipa nang makitang paparating sa aking gilid si Daishu.

"lumaban ka man o hindi, mamamatay ka na, River. Unti unting kakalat ang lason mula sa iyong braso." ngiti ni George. Dalawa na silang magkatabi ngayon, ngunit hindi iyon ang nakatawag ng aking pansin... Kundi ang nakakatakot na pigura sa kanilang likuran.

"Messing up in my office? Tch. You just made me mad." sambit niya sa malamig at mababaw na boses, isama mo pa ang blanko nitong ekspresyon na animo'y walang pakiramdam sa lahat.

***

Thyme pov

"San punta, boss?" agad akong napairap nang marinig na naman ang nakakairitang boses ni Basil.

"Why did you ask?" sabi naman ni boss. Hindi malamig o mapagbanta ang boses niya ngayon.

Kakaiba kesa sa dati na akala mo ay magtanong ka lang, papatayin ka niya bigla. Ibang iba siya... Parang masaya.

"Curious lang, boss. Hahaha!" tawa ni Basil na lalo kong ikinasimangot. Nasa MainHQ kami ngayon, nagplaplano para sa mga maari pang mangyari sa kasalukuyan. The other mafia is active. At plano nilang pabagsakin ang phantom mafia ngayon kahit na rin ang Royal, kaya kailangan na talaga naming maghanda.

"Did you know that curiosity kills the cat?" sagot naman ni boss at lumabas na ng HQ.

Napangisi naman ako nang makita ang mukhang ewan na reaksyon ni Basil. Tss. Kadaldalan kasi.

"nginingisi ngisi mo diyan?" pansin niya sa akin at binigyan ko lang siya ng bonggang bonggang irap. Duh!

"Wala kang pake. Curiosity kills the cat, panget. Kaya wag na magtanong!"

"walang originality! Si boss nauna, nakikigaya ka pa." tumaas na mataas naman ang aking kilay. Sarap talaga sakalin ng lalaking to!

"baka gusto mong masampolan ng tungkol sa pusa na yan, Basil?!"

"Sorry na, baby. Ikaw naman di mabiro oh." bwisit!

"Baby?! Wag ako, iba na lang!" singhal ko bago padabog na umalis rin ng HQ. Tch.

***

Short update...

Don't forget to vote and comment ,readers! :)

Follow me on my facebook page -> pinkiepurpy-writer

Add me on facebook -> solemn raina salvatore woldart

#shinra
#MTBP

Lovelots,
Pinkiepurpy

The Mafia & The Golden Fairy II : Uncrowned QueenWhere stories live. Discover now