Twenty eight: Wedding day

1.3K 35 0
                                    

Chapter twenty eight: Wedding day

Natulog rin ako. Kahit na labag man sa aking kalooban ang matulog sa iisang lugar kasama si Stanley ay kinailangan kong gawin upang mag ipon ng lakas kinabukasan. Ang barkong ito ay teritoryo ni Stanley, ano mang maling galaw ay kaniyang malalaman, at ano mang pagtakas ay magiging imposible. Kaya wala akong ibang magagawa kundi mismong hintayin ang oras ng kasal at doon ay papatayin ko siya. Naging mahina man ako pero kayang kaya kong maging malakas para sa aking pamilya at sa aking minamahal. I won't let the same mistake happen again like one year ago.

*tok*tok*tok

Tatlong mahihinang katok ang pumukaw ng aking atensyon. Mula naman sa kama ay agad akong tumayo upang buksan ito.

"Good morning, ma'am. Ipinapatawag na po kayo ni sir Stanley sa dining area." Ngiti ng isang dalagang babae sa akin. Nakasuot siya ng formal attire at halata sa mata nito na hindi lang siya ordinaryong babae.

"Sige, sandali lang." Walang emosyon kong sabi bago muling isinarado ang pinto upang mag ayos.

Today is the wedding day. Wala man akong konkretong plano ay buo na rin naman at iisa lang ang aking desisyon. Papatayin ko si Stanley sa mismong kasal namin, tatapusin ko na ang dapat tapusin sa oras na iyon.

Matapos mag ayos ay sinalubong parin ako sa labas ng pinto nung babae kanina. Tumango lang ito bago nagpatiunang maglakad, at sa likod ko naman ay tatlong armadong lalaki ang nakasunod kaya wala akong nagawa kundi ang sumunod. Sa dulo ng hallway ay lumiko kami bago bumungad ang malawak na espasyo kung saan sa gitna ay iisang lamesa na napupuno ng iba't ibang putahe at dalawang upuan lamang ang nandoon. Nakaupo na rin si Stanley at nakangiting tumango sa papalapit kong pigura.

"Good morning, Solemn." Bati niya nang makalapit ako. Hindi ko siya pinansin, naupo lang ako agad sa tapat niya at nagsimulang maglagay ng pagkain sa aking plato.

"Hungry, are we?"

...

"Kamusta ang tulog mo?"


Silence...


"Maayos ba ang cabin room?"

....

"Excited ka na ba sa kasal mamaya?"

Thats it! Padabog kong binaba sa lamesa ang hawak na kutsara at tinidor. Naririndi na ako sa walang katapusang tanong ni Stanley na hindi man lang makuha na ayoko siyang kausapin.

"Tapos na akong kumain." Sabi ko. Akmang tatayo na ako nang hawakan niya ang aking kamay.

"Huwag muna. Hayaan mo akong matapos bago ka umalis." Matigas niyang sabi. Ngumisi naman ako bago siya bigyan ng blankong ekspresyon.

"I am inlove with someone else, Stanley. And that person will never ever be you." Mapait kong sabi bago bawiin ang aking kamay na hawak niya pa rin.

"No. That person will soon be a dead body. Makinig ka, Solemn. Teritoryo ko ang Great Queen at isang maling galaw mo lang ay pwede kitang patayin o ang iyong Shin Phoenix sa mismong harapan mo." Hindi ako nakagalaw ng bigla niya akong hablutin at lumapat ang kaniyang labi sa akin.

Natutop ako sa aking kinauupuan bago siya marahas na itinulak palayo. Yuck! Nandidiri kong ipinunas ang aking kamay sa aking labi habang masamang nakatingin kay Stanley. Nagawa niya pang ngumisi bago ako talikuran at tuluyang iwan sa gitna ng malaking dining hall.

"See you tonight at the wedding ceremony, my bride." Huli niyang sabi at naramdaman ko na lang ang pagbigat ng aking mga talukap.

***

"Anong ginagawa mo?!" Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses at kinakabahang napatingin sa aking ama.

Hawak niya ang isang lalaking may hawak na baril sa kaliwang kamay. Walang pagaalinlangan ay binaril ng aking ama ang lalaki sa ulo at nagsipagtalsikan sa aking mukha ang mga pulang likido na nagmula sa patay nang lalaki.

"See? Kapag hindi ka nag iingat Solemn ay mapapatay ka ng mga traydor. Kahit nakatalikod ka ay dapat alam mo kung may tao sa likod mo o wala. You are Royal. You should know how to control everything." Matigas na sabi ng aking ama bago ihagis lang sa tabi ang bangkay.

"But... But I... I can't." Malungkot kong sabi habang nilalaro ang mahaba kong buhok.

"If you'll always say that you can't then you'll never will. Matuto kang manipulahin ang lahat dahil kung hindi mo kayang lumaban ng direkta," paliwanag niya, "gamitin mo ito." Dagdag pa niya bago itinuro ang ulo nito.

"Act like a princess but think like a queen"

Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata at unang inilibot ito sa aking paligid. Nasa cabin room ko na pala ako. Naiiling akong tumayo at tinignan ang oras, alas singko na ng hapon... Gano'n katagal pala nila ako pinatulog. Nakakamangha din talaga magisip si Stanley, hindi mo talaga maprepredict.

Kinapa ko naman ang aking likuran upang tignan kung naroon pa ang aking kunai at mabuti na lang talaga ay hindi nila ako naisipang kapkapan.

Tok*tok*tok

Hindi na hinintay ng tao sa kabilang side ng pinto ang aking tugom dahil basta na lang ito pumasok sa loob dala dala ang isang malaking case.

"Good morning, ma'am Solemn. I'm Thyme Dolcster and I'm your make up artist tonight." Sabi ng bagong pasok na babae na nakasuot ng kulay itim na dress na ibinigay sa gray na blazer.

Thyme...

The Mafia & The Golden Fairy II : Uncrowned QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon