Seven: The deal and the function

1.9K 54 1
                                    

Chapter 7: the deal and the function

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Chapter 7: the deal and the function


Sora(picture above) as Amber heard... Wala akong maipartner na lalaki ee, sino ba pwedeng ipartner sa kaniya?


***

Basil pov


Dumiretso kami sa coffee shop sa tapat ng building, hanggang ngayon di pa rin ako makapaniwala sa pagpapakita bigla ni solemn. Di ko man nakita yung pagsabog pero nakita ko yung mga dalang piraso ng buhok ni Solemn na dala dala ni boss nun.



Nilingon ko naman si Thyme na kanina pa tahimik. Ano ba to? Natrauma? Hahaha.


"hoy!" sipa ko sa paa niya sa ilalim ng mesa.


"ano?!" bugnot niyang baling at sabay naman kaming napatawa ni Fritz, wala talagang tatalo. Sungit awards talaga ang babae na toh!



"ehem. Wag mo na palang hanapin yung toyota." biglang seryoso ko.



"bakit?"



"tch. Natagpuan kong patay yung lalaki sa loob ng kotse niya." paliwanag ko na siya namang ikinataas ng kilay niya.


"bakit bro? Sino naman papatay doon?" singit ni fritz.


"yun nga ang hindi ko alam. Pero at least wala na akong stalker, diba?" ngisi ko at pareho lang umiwas ng tingin yung dalawa. Di man lang nakisakay sa akin! Mga KJ!


***

Sora pov


Namamawis ang kamay ko. Nanlalamig na rin ang aking katawan at medyo bumabagal na rin ang aking paghinga. Tss...



Napahawak ako sa aking tagiliran at habang ang isa kong kamay ay iniliko ang kotse para tumigil sa gilid. Shit! Dahan dahan kong tinanggal ang aking blazer para makita ang tama ko ng baril, yung puti kong long sleeve nakupasan na rin ng pula.



"aah!" daing ko ng madiinan ang paghawak sa tagiliran ko. Bwisit! Pag nakita ko lang yung reaper na yun, babaon sa ulo niya ang kunai ko.


"hi, darling. Kamusta ka na?" lapit sa akin ni Griselda na abot langit ang ngiti.



Nakipagkita siya sa akin sa isang Italian restaurant, gusto niya raw ako makausap kaya naman pumayag nagpunta at nagpunta.


"mabuti naman... Tita." walang gana kong sabi. Pinaupo niya naman ako sa tapat niya bago umorder ng makakain.


Buong kain namin wala siyang ginawa kundi ang ngumiti ng peke at magkwento ng kung ano ano, pero ni isa roon ay wala akong pinakinggan.


The Mafia & The Golden Fairy II : Uncrowned QueenWhere stories live. Discover now