thirty: The war

1.4K 39 0
                                    

Chapter thirty: The war


Hindi ako ngumiti. Nanatili lamang walang emosyon ang aking mukha habang mabagal na naglalakad sa gitna ng deck at nakatingin kay Stanley. Ngumisi naman siya, isang malawak na ngisi na gustong gusto kong tanggalin ngayon din. Nagpatuloy ako ng paglalakad hanggang sa makalapit sa kaniya, ngunit hindi ako nagtankang abutin ang kaniyang inalok na kamay. Nagsimula ang seremonya pero hindi ko pinapakinggan ang sinasabi ng pari hanggang sa magtanong ito.

"Do you, Stanley Pearson, take Solemn Raina Woldart as your lawfully wedded wife?" Tanong ng pari at mabilis na sumagot ang aking katabi ng:

"I do."

Bumaling naman sa akin ang atensyon na pari bago nagsalita.

"Do you, Solemn Raina Woldart, take Stanley Pearson as your lawfully wedded husband?" Tanong niya.

Should I say 'yes'? For the sake of everyone around me?


Or



Should I say 'no'? For my own happiness?



Trust... The words echoed in my head, as if I'm hearing Shin's voice inside it.


Huminga naman ako ng malalim at nilingon ang mga tao sa aking likuran. Karamihan sa kanila ay hindi ko kilala pero kasama sa mga bisita si mommy, si Thyme, si Sheeya, at Basil na mukhang hindi napansin ni Stanley. Inilibot ko naman ang aking tingin upang hanapin si Hiro at Shin ngunit bigo akong makita sila. Kahit saang sulok ko sila hanapin ay wala sila. Nasaan sila? Nasaan ang aking kambal? Nasaan si Shin? Nahuli na ba sila?

Trust...

Tama! Kailangan kong magtiwala at maniwala na ayos lang sila. Shin made a promise and he would never break that. Ligtas sila at nasa paligid lang.

"*ehem* I repeat. Do you, Solemn Raina Woldart, take Stanley Pearson as your lawfully wedded husband?" Muling tanong ng pari at lumipat ang aking tingin kay Stanley.

Hindi pa rin mawaglit ang ngiti sa kaniyang mukha na ikinaiinis ko. Bumaba naman ang aking tingin sa hawak na malaking boquet ng itim na mga rosas at nakita roon ang nakatagong baril. Muling bumalik ang aking tingin kay Thyme na siyang nagbigay ng bulaklak, bahagya siyang tumango at ganoon din ako.

"I..." Hinga ko ng malalim at pinakatitigan si Stanley. Alam kong naghihintay siya... At sila ng aking sagot pero kailangan kong kumuha ng pagkakataon.

"You what?" Naiinip na tanong ni Stanley bago kunot noong tinignan ang pari. "Tanungin mo ulit siya."

"I don't." Walang emosyon kong sabi bago marahas siyang itulak at inilabas ang baril sa bulaklak.

Mabilis ko iyong itinutok kay Stanley at kasabay nito ay ang pagsimula ng ingay sa aking paligid at isang malakas na pagsabog mula sa likod ng ship. Bahagya akong napaatras sa lakas ng pagyanig, ngunit hindi ko inalis ang pagkakatutok nito kay Stanley.

"Tss... Hanggang ngayon ba naman lalaban ka pa rin?" Malamig na tanong niya.

"Hindi ako titigil hangga't nabubuhay ka, Pearson. Hindi mo alam kung gaano mo inagrabiyado ang aking buhay." Malamig ko ring tugon.



"At alam mong mas magiging malala ang iyong buhay kapag hindi mo sinunod ang kagustuhan ko?" Ngisi niya bigla.

Mula naman sa aking gilid ay tumalsik ang isang babaeng duguan. Hindi ko iyon pinansin ngunit ng mapansin ang buhok nito ay para akong nanghina sa aking kinatatayuan. Kusang nanginig ang aking kamay kasama ng hawak kong baril habang di makapaniwalang napatitig sa aking ina.

The Mafia & The Golden Fairy II : Uncrowned QueenWhere stories live. Discover now