Twelve: The fool and the genius

1.6K 49 6
                                    

Dedicated to my Royal wattpad family. chouielove kyessss bheyrieh shykuyet AeoneKawai rosefamelako

Chapter 12: the fool and the genius

***

Sora pov

Tinignan ko lang si River habang naglalakad papasok sa opisina ko dala dala ang baso ng kape. Muli na naman siyang umiwas ng tingin at pasimple naman akong napangisi. No one can deceive me. Not even an amateur like you.

"eto na po ang kape niyo, ma'am." mahina niyang sabi, tumango naman ako bago niya ilapag iyon sa aking table.


"wait."


"m-ma'am?" kinuha ko ang calling card sa wallet ko bago ibigay kay River.



"call that and request a new phone for me." sabi ko, kinuha niya yung card at nagpaalam bago ako iwan sa loob ng opisina.


Pina ikot ikot ko lang ang aking swivel chair habang naghihintay sa bagong phone at wala pang kalahating oras ay dumating na ang delivery. Binuksan ko yung bago kong phone at nilagay ang sim card rito, dahil sa aksidenteng nangyari nung pinuntirya ako ng reaper ay kasama sa nahulog na kotse ang aking phone. Too bad, hindi na maretrieve ang mga files doon. Matapos bumukas ng phone ko ay agad kong dinial ang number ni Stanley.


"hello." sagot niya sa kabilang linya. Sumandal ako sa swivel chair at ipinatong ang dalawa kong paa sa lamesa.

"Stanley... It's Solemn." walang buhay kong sabi. Inabot ko naman yung malamig na kape para inumin ito.

"solemn! Bakit ngayon ka lang tumawag!? Alam mo bang nag alala ako sayo! Tatlong araw kang hindi nagparamdam. May masama bang nangyari?" sunod sunod niyang tanong, napailing na lang ako.


Stanley offered an engagement on me six months ago sa Italy. I accepted it. Tinanggap ko iyon hindi dahil mahal ko siya, kundi dahil isa siya sa mga taong may kasalanan sa akin.

"bakit may masama ba talagang dapat na mangyayari sa akin?" makahulugan kong tanong at saglit naman siyang natahimik sa kabilang linya.

"n-no! Akala ko inatake ka na ng Phantom" sambit niya, ngumisi na lang ako habang nilalaro laro ang hibla ng aking buhok.


"so far hindi naman." walang gana kong sabi bago ibinaba ang phone ko.

Sunod ko namang tinawagan ay si Dan na nakasave rin ang number sa back up sim card ko, matagal bago ito nasagot kaya sa yamot ay hindi ko na siya hinayaan pang magsalita.

"Buy me a new car with bulletproof glass. Hindi dapat malaman ni Stanley ang tungkol dito." sabi ko.

"S-solemn?" di makapaniwalang tanong niya naman sa kabilang linya.

"I need it tomorrow." dagdag ko pa bago rin siya babaan. Sigurado akong kapag hindi umayon sa plano ni Stanley ang lahat ay mapapaaga ang uwi niya dito sa Pilipinas. Kapag nagkataon, ikakasal ako sa niya. And I will never let that happen.

Matapos ang mga gawain sa opisina ay lumabas na ako rito upang umuwi, nag taxi lang ako papunta sa aking suite hotel bago kuhanin ang iba kong gamit roon. Babalik na ako ng mansion, tapos na itong marenovate at hindi dapat makuha iyon o tirhan lang ng kung sino sino.

The Mafia & The Golden Fairy II : Uncrowned QueenWhere stories live. Discover now