Five: the comeback?

1.9K 58 10
                                    

Chapter 5: The comeback?

Magkikita na kaya sila?

By the way sino gusto niyong character sa kwento na to?


****

Basil pov


"may balita ba?" singit ko sa upuan kung saan nakaupo si Thyme, nasa tapat siya ng computer at mukhang tinitignan ang bawat sasakyan na dumaan sa footage.




"ano ba!? Napakadaming upuan makikisiksik ka!" sigaw niya sa tenga ko na ikinainis ko naman. Parang bingi naman ako, hindi na talaga nagbago ang babaeng to. Napakasungit pa rin...



"lagi ka bang meron?" ngisi ko at mas lalong nalukot ang mukha niya.




"alam mo... Leche flan ka!"




"aaahhh!" napasapo ako sa aking pwetan ng itulak ako ni Thyme. Ibang klase talaga toh! Walang kupas sa kabrutalan at kasungitan!



"bakit ba kasi nanggugulo ka dito?!" bulyaw niya pa at hindi man lang ako tinulungang tumayo.




"sungit mo eh. Ano na ngang balita?"



"wala pa. Hindi pa rin naman tumatawag yung kompanya ng toyota, kaya medyo matatagalan pa tayo sa paghahanap nung lalaki sa sementeryo." irap niya sa akin at tumango na lang ako.


Kating kati na ako na malaman kung sino yun at kung bakit niya ako sinusundan. Hindi kaya stalker ko yun? Shiz... Pogi mo talaga!


Naupo naman ako sa gilid at dumikwatro na lang, gabi na rin at hindi ako makatulog dahil naeexcite ako sa mangyayari bukas. Gusto ko ring malaman kung sino ang may ari ng black swan, napakamisteryosa niya kasi dahil biglaan rin ang pagsikat ng kompanya nito. Bago pa lang iyon at basta basta na lang lumago. Nakakamangha, matalino siguro talaga at magaling ang babae na 'yon.



Pero gaya nga ng sinabi ni boss, it can be a trap. Mukhang malakas ang impluwensiya ng babae dahil naitatago niya ang kaniyang katauhan. Isa sa mga characteristic ng taong parte ng mafia ang maging mayaman at maimpluwensiya. Tignan na lang talaga natin ang mangyayari bukas kung may balak nga siyang patayin si boss... Sigurado hindi ba nakakabunot ng baril yun ay bubulagta na siya.



***

River pov



Napatitig ako sa kisame ng aking kwarto habang nakahiga sa kama. Ito na nga ang pinakahinihintay kong magkaroon ng trabaho, natupad na ang hiling ko pero bakit ako natatakot? Parang gusto kong tumakbo palayo, sa malayong malayong lugar kung saan walang makakakita o makakakilala sa akin. Gusto kong magtago sa ilalim ng kama at manatili roon hanggang sa maagnas ang katawang lupa ko, pero nandito na ee. Nangyari na. Hindi naman siguro niya alam?



"tama! Hindi niya alam!" balikwas ko sa kama, gulo gulo pa ang buhok. "hindi niya alam! Ligtas ka pa at ang sikreto mo!"


Napangiti ako bigla, at least may trabaho na ako diba?


"you will be my new secretary, Miss Guillermo. Your skill fitted the job and I think you are a smart person too." ngiti ni Ms. Woldart sa akin.


Di makapaniwalang napatango naman ako at pilit iniiwasan ang magtama ang aming tingin, pakiramdam ko kasi pag nagtama ang tingin naming dalawa ay malalaman niya ang iniisip ko.

"sigurado po kayo?" mahina kong tanong habang nakatingin sa papeles kong hawak niya. I am qualified for the job pero parang ayoko yata sa papasukan ko ngayon.


The Mafia & The Golden Fairy II : Uncrowned QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon