Fourteen: The funeral

1.5K 46 0
                                    

Chapter 14: The funeral

Ilang araw na suspended ang klase hahah kaya hayahay at may time ako sa pagsusulat. Pasalamat sa bagyo! ;)

***

Basil pov

Nasa loob ako ng aking kotse na katapat ng high class restaurant kung saan pumasok si Liane Rodriguez, pinapasundan siya ni boss sa akin at ang pinagtataka ko lang ay kung bakit nakacap pa siya na halos matakpan na ang kalahati nitong mukha. Naupo siya sa may bandang glass wall kaya mula rito sa aking sasakyan ay kitang kita ko siya at kung paano niya kawayan yung lalaking kakapasok lang. Si Cello Alcaster.

Hindi ko alam kung ano ang pinag uusapan nila pero base pa lang sa kanilang ekspresyon ay sigurado akong hindi maganda ang ibig sabihin niyon, pinapanood ko lang sila hanggang sa magtanggal ng sombrero si Liane at tumambad ang namamaga nitong noo na nagviolet na. Psh. Anong nangyari doon? Hahaha. Anong katangahan kaya nagawa niya at nagkaroon ng bukol sa noo!


Natatawa akong bumaba ng kotse at isinuot ang malaki kong shades bago pumasok ng restaurant. Nakita kong tumayo rin si Liane sa kaniyang upuan kaya nagmadali akong pumunta ng girls comfort room, at kung minamalas nga naman wala man lang girls kahit isa.


Binuksan ko ang isa sa mga cubicles nito at doon ay pumasok upang hintayin ang pagdating ni Liane. Wala akong balak manilip... Sadyang kailangan ko lang siyang hulihin kung saan walang makakakita.

***

Liane pov


Nasira ang pagpapanggap ko dahil sa babaeng iyon! She even dared hurt my beautiful face! Ang plano namin ay magpapanggap akong clumsy at inosenteng babae para tanggapin agad ako bilang secretary, para hindi ako pagdudahan. Pero shit lang! Bakit ba kasi dumating pa siya kagabi!


"Mag apply ka for secretarial position. Earn his trust first, then after that seduce him. Make him fall in love with you then kill him." matigas na sabi ni Pearson at mariin lang akong napatango.


"I will. For you, I will..." sambit ko at akmang hahawakan siya ng talikuran niya ako at dumiretso sa kaniyang upuan.


"Make sure my bride is safe. Siguraduhin niyo ring hindi makakalapit sa kaniya si Phoenix." utos niya naman kay Jack at para bang may tumusok sa aking dibdib.


Wala na siyang ibang naging bukambibig kundi ang bride niya. Ang prinsesa niya. Si Solemn. Solemn. Solemn! Fuck that bitch!


Pagkapasok sa restaurant ay agad akong naupo at mas ibinaba ang sombrero kong suot, hanggang ngayon ay masakit pa rin ang aking noo at talagang magang maga ito. Masyadong napuruhan kagabi ng iumpog niya ako sa lamesa. Tch.


"bakit mo ako pinapunta rito?" tanong agad ni Cello pagkaupong pagkaupo niya. Sumandal naman ako bago pinagkrus ang aking braso at mataman siyang tinignan.


"anong mukha yan?" taas kilay kong tanong at siya namang pagdilim ng kaniyang mukha. Magulo kasi ang buhok ni Cello at idagdag mo pa ang pagkainip niya ngayon, nawala rin ang mapaglaro niyang mga ngiti at napalitan ng nagngingit na ngisi.


"mom's dead." matigas niyang sabi na ipinagtaka ko.



"paanong patay?"



"I found her dead at her room." maikli niyang paliwanag at napatango naman ako.



"sino sa tingin mo may gawa?" taas ko ng kilay bago tanguan yung waiter na nagbigay ng menu sa amin. Nilapag ko muna iyon sa lamesa para hintayin ang isasagot ni Cello.



The Mafia & The Golden Fairy II : Uncrowned QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon