Four: The new secretaries

2K 62 6
                                    

Chapter 4: the new secretaries



Paano kaya babaguhin ng dalawang secretary ang buhay nila?



Well... Let's meet them first!

***

Sora pov



Bumalik muna ako sa hotel ng malaman na nandoon na ang ang motor ko, kinuha ko naman sa guard yung susi nito bago dumiretso sa parking lot. Napangisi ako ng makita ang aking lotus bike, it is a black motor bike with golden linings, shiz! Ang cool talaga ng baby ko! Kinuha ko agad ang itim na helmet sa gilid nito at sinuot. Hindi na ako magpapalit na damit, kompanya ko naman iyo at wala silang pakielam kung nakapasok ako ng hoodie at pants. At isa pa tinatamad na akong bumalik sa suite ko.



Sumakay na ako ng motor at mabilis itong pinaharurot palabas, gulat na napatingin pa sa akin yung parking lot guard kaya napa iling na lang ako.



Pagdating naman sa kompanya ay dirediretso lang ang aking paglakad. Yung kaninang mga lalamya lamya kong mga employee ay parang nabuhusan ng malamig na tubig, lahat sila nagulat sa biglaang pagdating at pagsulpot ko sa harapan nila.



"Good morning, ma'am." yuko nung isa habang inaayos yung sangkatutak na papel na hawak niya.



"G-Good morning, ma'am!" bati pa nung isa kong empleyado na nagmanadaling umakyat ng hagdan.



Pumunta ako ng elevator at pinindot ang button, ilang minuto ang lumipas ay bumukas ito sakay ang maraming empleyado. Syempre, dahil kilala nila kung sino ako ay nagsiksikan silang lahat bigyan lang ako ng malaking space.




"what?" pansin ko sa isang babae na tinignan ako mula ulo hanggang paa. Ngayon lang ba siya nakakita ng ganito ang suot sa trabaho, hindi siya kumibo kaya nagsalita na ako bago pumasok sa loob. "masanay ka na." walang gana kong sabi at sumara na nga ang elevator.



Walang gumagalaw. Kahit paghinga nga nila hindi ko na marinig, wala ring bumaba hangga't di ako nakakaalis, dahil na rin sa nakapwesto ako sa bandang pintuan o daanan ng elevator. 30th floor... Nag 'ding!' ang elevator at tuluyan na nga akong bumaba, pero bago iyon ay narinig ko pa ang sabay sabay na pagbuntong hininga nila.


"grabe. Akala ko mamamatay na ako sa pagpipigil ng hininga, nakakatakot naman siya..." nagpantig naman ang tenga ko sa kung sino man ang bumulong. Bulong ang ginawa niya pero sadyang malakas lang.




Pasara na rin yung elevator pero iniharang ko ang aking kamay at awtomatiko itong bumukas.




"wala naman kasi sayong pumipigil sa paghinga, dear. At hindi kita tinatakot." walang gana ko ulit na sabi at iniwan na sila roon na nakatulala. Tss... Mga tao nga naman, hindi na nasanay.




Tahimik lang akong naglakad sa hallway nasa pinakadulo nun ang opisina pero bago iyon ay madadaanan ko muna ang pinto ng aking secretary na saktong kakalabas lang, muntikan niya na akong mabangga pero nagtuloy tuloy lang ako ng lakad ng may humawak sa aking balikat.



"sorry miss pero mali ka yata ng napuntahang floor." mataray na sabi ng aking secretary, kinabig ko naman ang kaniyang kamay na nakahawak sa akin.




"yan ang opisina ni Solemn Raina Woldart." hindi iyon tanong, it's a complete obvious fact.




"oo yan nga." tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. "kaya umalis ka na kung ayaw mong tumawag ako ng guard. Look at you, you don't even belong here. Kung manghihingi ka para sa charity or whatsoever wag dito. Wala ka rin namang mapapala sa batong amo ko." mahaba niyang lintanya na ikinainis ko.



The Mafia & The Golden Fairy II : Uncrowned QueenDonde viven las historias. Descúbrelo ahora