Twenty three: The stranger with the golden hair

1.4K 44 0
                                    

Chapter twenty three: The stranger with the golden hair

***

Solemn pov

Mariin kong itinutok ang hawak na baril sa ulo ni George. Kahit isang kamay lang ang gamit ko ngayon dahil naka arm sling ang isa ay kailangan kong lumaban. This guys are messing up with my office, in my own company, and those who angered me will experience my wrath as a Royal Queen.

"You should never have crossed the boundary. This is my territory, trespassers." walang emosyon kong sabi at mabilis na pinaputukan ang binti ni George.

"Damn! Argh!"

"G-george!" sigaw naman ng kambal niyang babae at napangisi na lang ako.

Muli kong pinaputukan ang paa ni George bago pa man sumugod sa akin si Daishu. The trouble twins. Gumagalaw sila ng sabay, kaya kahinaan nila ang isa't isa. Pinangsangga ko ang kanan kong kamay ng sipain ako ni Daishu, mabilis naman kong umikot at binigyan siya ng round house kick ngunit agad niya rin itong nailagan. Gamit naman ang inipong lakas ay pinukpok ko sa kaniyang batok ang baril, ngunit nasangga niya ito dahilan para tumalsik ang baril sa paanan ni George.

Sabay kaming lahat na napalingon roon, at dahil mas malapit si River at mas mabilis kay George ay kinuha niya ang baril. Isa na lang ang bala nun ay hindi maaaring masayang ang nag iisang yun.

"Ack!" daing ko ng tumama sa aking tiyan ang tuhod ni Daishu.

"River, ihagis mo!" pilit kong sigaw, bago ko suntukin ng dalawa ang aking kalaban.

Lumaban naman siya at nakipagsabayan rin sa akin ng mga suntok at sipa, hanggang sa makarating kami sa sirang bahagi ng palapag. Ang bahaging naapektuhan ng pagsabog kanina.

Walang emosyon kong tinitigan sa mga mata si Daishu habang siya rin ay nakikipagsukatan ng tingin sa akin. Pareho kaming nasa dulo ng sirang bahagi at isang maling galawa ay may mahuhulog. Mula naman sa aking peripheral vision ay kita ko ang pilit na pagtayo ni George at ang palipat lipat na tingin ni River.

"River!" sigaw ko at kasabay ng biglaang paghila sa akin ni Daishu at pagkahulog naming dalawa ay ang pagbato ni River ng baril.

Bahagya akong napangiwi dahil sa sakit na nagmumula sa kaliwang braso, ngunit dinama ko na lang ang hangin na pumapagaspas sa aking mukha habang patuloy na nahuhulog. Mula sa baba ay rinig ko naman ang ingay ng mga bumbero at pulis na mukhang paparating pa lang sa aking kompanya. They are too late.

Mahigpit kong hinawakan ang baril na nasalo kanina at mabilis na hinawakan ang likod ni Daishu na nahuhulog rin katulad ko. Bahagya pa itong nagulat ngunit agad na nanlaban habang papalapit na kami sa baba. I smirked.

"This is your end." sabi ko pa bago kami mahulog sa napakalalim na swimming pool.

I was welcomed by a cold water hurting my wounded arms. Mabilis naman akong lumangoy paitaas upang umahon ng may humila sa aking buhok. Umikot ako at hinarap si Daishu na pilit akong hinihila pababa upang lunurin, gamit naman ang kamay na may baril ay itinutok ko iyon sa kaniyang dibdib at ipinutok ito.

Ang kaninang malinaw na pool ay unti unting nahaluan ng pula kasabay ng paglutang ng katawan ng babaeng ito sa tubig. In the world of mafia everything is a survival. It is just kill or die. Unahan lang kayo.

***

Bago pa man makarating ang basang sisiw kong hitsura sa aking kotse ay isang lamborghini aventador ang mabilis na tumigil sa aking harapan. Bumaba mula rito si Shin na seryosong nakatitig sa aking kabuuan at sa kulay pula ko ng benda.

The Mafia & The Golden Fairy II : Uncrowned QueenWhere stories live. Discover now