Kabanata 23

65 2 0
                                    

"Try this soup," aniya.

Biglang kumalam ang tiyan ko ng maamoy ko ang hawak niyang mangkok ng soup.

Sumandok siya doon at hinipan bago ilapit para isubo sa akin.

Inabot ko iyon ngunit hindi niya binigay ito. Kumunot naman ang noo ko, "Akin na, Rozen. Kaya ko namang kumain mag-isa."

"I want to take care of you, is it bad?"

Umiling ako.

"Good."

Kumutsara ulit siya at tinapat ito sa bibig ko, agad ko namang tinanggap iyon.

Kumunot ang noo ko. Hindi ito luto nila mommy at manang Marta, I know well their taste buds.

Tumingin ako kay Rozen, nakakunot din ang noo niya habang nakatingin sa akin. "Sino nagluto?"

Kinagat niya ang kanyang ibabang labi at tumingin sa soup na dala niya. Siya ba? Seryoso? Siya nga! I'm sure.

Ngumiti ako at kumuha pa nito at hinigop, "It's delicious."

Nagningning ang mata niya sa sinabi ko ngunit bakas parin sa kanya ang lungkot. His actions justified my guess.

"You seem not like it," kinuha niya sa akin ang hawak kong kutsara na inagaw ko kanina. Inilayo niya sa akin ang mangkok at tuminging lang sa akin.

Inilapit ko sa kanya ang mukha ko, "I told you, it's delicious. Give it back to me."

Ngumuso siya,"Napipilitan ka lang, e."

Tinawanan ko siya at lalong kumunot ang noo niya.

"Kailan ka pa hindi naging sigurado sa ginagawa mo?"

Nagkibit balikat siya, "I want to give you the best and I'm not sure if it is enough, if I am enough..."

Kailan pa siya naging madrama? Nakakapagtaka na nagkakaroon siya ng issues sa sarili niya, nasa kanya na ang lahat. Eeryone dreams of having a guy like him, even me. He is my dreams.

Kinurot ko ang pisngi niya.

"You're enough Rozen Benavidas, never doubt yourself..."

Ngumiti siya, "How old are you again?"

Sabay kaming tumawa. Now that he mention it, parehas yata naming nakakalimutan ang edad ng bawat isa kapag magkasama.

Afterwards, inabot din niya sa akin ang niluto niyang soup. Nagpipigil ako ng ngiti dahil hinihipan niya muna ito bago ko isubo, like we're really a couple... He is the sweetest.

Nakatitig ako sa kanya habang hinihipan ang niluto niya.

Tama si Bryle, ang bilis ng lahat. Ni hindi nga kami madalas mag-usap ni Rozen but look at us now. Sobrang bilis, we never started being friends. Ang alam ko lang noon ay ayaw niya sa akin then next thing I knew, he confess.

Ang bilis. I'm doubting if it is even real. I don't remember him falling for my charms, ang naaalala ko lang ay ang mga pangungulit ko sa kanya na lagi namang binabalewala. And now, he's into me?

Pero kung tutuusin ay gano'n din naman ako. Isinayaw niya lang ako noong birthday ko at may naramdaman na agad akong kakaiba, something magical. Just one dance and I am head over heels.

"Why are you looking at me like that? Is Ingrid Courtney Sullivan is finally falling?"

Tumawa ako ng mahina at umiling. He's so dense, simula pa lang ay halos ipagsiksikan ko na sa kanya ang sarili ko. Tapos ngayon ay hindi parin siya sigurado sa nararamdaman ko? He got to be kidding me!

Fallen HeartsWhere stories live. Discover now