Kabanata 6

107 25 16
                                    

Ipinikit ko ang mata ko hanggang sa mawala ang pagkahilo ko. Ayoko na. Dalawang araw na akong ganito. Nahihilo, nagsusuka, sinisipon at sumasakit ang ulo.

"You badly need a rest, Ingrid. 'Wag mo nang ipilit ang kagustuhan mong pumasok." Sermon sa akin ni Mommy.

"Opo. Mommy, please tell Speed to come here." Ang bigat ng ulo ko. Para akong hinahanatak ng kama ko, hindi na nga ako makatayo dahil sa hina ng katawan ko. And I hate myself for being weak. Isang ulan lamang iyon pero damang dama ng katawan ko ang pagkahina.

Lumingon ako kay Mommy na mukhang nagtataka pero agad din naman siyang tumango.

Maya maya pa ay narinig ko ang katok sa aking pintuan. Hindi na ako lumingon doon dahil agad namang tumayo si Mommy para pagbukasan iyon.

"Ma'am, nandito po si Sir Rozen sa baba." Napabalikwas ako dahil sa sinabing iyon ng katulong namin.

Ano ang kailangan niya dito?

Umalis si Mommy kasama ang aming kasambahay. Ibinalot ko ang kumot sa akin dahil nakaramdam ako ng biglang paglamig.

Maya maya pa ay narinig ko ang pagpihit ng door knob ng aking pintuan. Nilingon ko iyon at iniluwa nito si Mommy. Binaling ko ang akin paningin sa likuran ni Mommy, wala siyang kasama. Akala ko ba nasa baba si Rozen?

Nang umupo si Mommy sa tabi ko ay hindi ko maiwasang magtanong, "Ano daw po ang kailangan ni Rozen?"

Pinagmasdan ako ni Mommy at para bang binabasa ang aking ekspresyon dahilan upang ibaling ko ang aking mukha sa gilid.

"He just... do some report regarding our plantation." Saad ni Mommy.

Napatango nalang ako. Ang akala ko ay bibisitahin niya ako. Sabagay, ayaw nga pala niya sa akin. At siguradong galit iyon dahil sinabi kong gusto ko ang kapatid niya na hindi naman totoo.

Hindi ko alam pero nasaktan ako. Akala ko kasi ay kahit kaunti ay mayroon siyang pakielam sa akin, nagkamali ako.

Maya maya pa at dumating na si Speed na hindi man lang kumatok sa pintuan.

"Maiwan ko muna kayo, Ingrid." Sabay kaming tumango ni Speed.

Nang nakalabas na si Mommy ay tiningnan ko si Speed na ngayon ay nakaupo sa tabi ng kama ko.

"Ang sakitin mo parin." Naiiling niyang sabi sa akin.

Sinamaan ko siya ng tingin, "Ikaw ang dahilan nito! I told you to fetch me!"

Nag-peace sign siya at humawak sa kanyang baba. "Pinapunta mo lang ako para sisihin? Hindi ko naman talaga kasalanan kung hindi mo alam na may driver kayo."

Binatukan ko siya kahit medyo nanghihina parin ako. "Alam ko 'yon. I kept calling manong but he didn't answer."

Tumawa naman siya. Masaya pa siyang nagkakaganito ako ha? Nakakainis 'tong pinsan ko na ito, wala man lang pakielam sa akin.

Bigla akong nagseryoso at natigil ang tawa niya dahil doon. "Do me a favor." Simula ko.

Nakakunot naman ang kanyang noo dahil sa sinabi kong iyon. Mukhang ayaw niya akong tulungan. "What kind of favor?"

Bumuntong hininga ako at tumingin sa kisame. "Before anything else, please don't tell anyone about this."

Narinig ko ang malulutong niyang mura. "Buntis ka?!"

Agad akong napalingon sa kanya. Tinadtad ko siya ng mga batok at sapak. Nagagawa niya pang magbiro ngayong seryoso ako.

"So, you're not pregnant." Tumango tango pa siya na mukhang nakumbinsi ko siya.

Fallen HeartsHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin