Kabanata 7

99 22 18
                                    

Pumasok ako sa kotse ko at nagmadaling pumunta sa aming plantation. Bryle wants to talk to me. Hindi ko naman alam ang isasagot ko sa kanya.

Nang matanaw ko na ang harapan ng plantation namin ay agad kong ipinarada ang kotse ko sa tabi ng sasakyan ni Bryle. Speed is also here, katabi nang sasakyan ni Bryle ang sasakyan niya.

Lumabas ako at tumungo kung nasaan si Bryle. Nakasalubong ko ang aming tauhan at agad na nagtanong, "Kuya, nakita niyo si Bryle?"

Kuya Patrick pointed Bryle and Speed. Pinagmasdan ko silang dalawa, nakakunot ang noo ni Bryle at si Speed naman ay nakatungo sa kanyang mga paa. Mukhang pinapagalitan ni Bryle si Speed.

Nagtaka naman ako doon dahil alam kong Speed's ego won't let that. Ayaw na ayaw niya sa lahat ang napapagalitan. But...Bryle. He looks very angry.

Bumuntong hininga ako at nagsimula ng maglakad palapit sa dalawa kong pinsan. "Bryle! Speed!"

Nabaling naman ang atensyon nila sa akin. At ang mukha ni Bryle ay unti-unting lumambot. Speed is now looking at me with grin in his face.

"What's with that haggard face?" Nang-aasar na tanong sa akin ni Speed. Kahit kailan, itong pinsan ko puro asar ang alam.

Sa init ng araw ay pinagpapawisan ako. Tumatagaktak ang pawis ko gayong wala namam akong masyadong ginawa. Nasanay siguro ako sa klima sa New York.

Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Siya din naman mukhang haggard, mas haggard pa nga siya sa akin kung tutuusin. Messy hair(na hindi naman normal na ayos ng buhok niya), dark circles under his eyes, at bakas ang kaunting pamumula ng kanyang mata. Letse na 'to.

"You look very blooming today." Pang-aasar ko kay Speed. Punong-puno ng sarcasm ang boses kong ginamit. "What happened? Got dumped by a girl?" Smirk spread across my face.

Kumunot ang ulo niya ngunit tumawa siya ng tumawa na mukhang baliw. Nagkaroon na ata ako ng baliw na pinsan. Inirapan ko.

"Wala sa dugo ko 'yon Ingrid." Natatawa parin niyang sabi. Napa-facepalm na lamang ako sa yabang nito.

Umubo si Bryle at nilingon ko siya. He's looking at me intently. Narinig ko narin ang pagtigil ng hagikgik ni Speed. Nakaramdam ako ng kaba dahil sa seryosong mukha ni Bryle.

"Check ko lang 'yong mga ginagawa ng tauhan natin." Narinig kong paalam ni Speed. Hindi ko siya nilingon dahil hindi din naman maalis ang tingin ko kay Bryle.

Nang makaalis na si Speed ay umupo ako sa damuhan. Tinapik ko ang damuhan sa gilid ko upang umupo dito si Bryle.

Ramdam ko ang titig niya bago umupo sa tabi ko. Nakailang buntong hininga siya bago magsalita.

"Bakit hindi mo sa akin sinabi? I thought we're best buddies." Malungkot niyang sabi.

Nilingon ko siya. Nakatingin siya sa langit. I, somehow felt guilt. I know, Bryle. I'm sorry. "Speed has more connections than you." Pagdadahilan ko, I won't work.

"Sana tinanong mo nalang sa akin." Malungkot parin ang boses niya ngunit dama ko rin na pinipili niya ang mga ginagamit na salita.

Tinanaw ko ang kabuuan ng aming plantasyon. Maraming ginagawa ang aming tauhan. Panahon na pala ng pag-aani.

Pinikit ko ang aking mata. Ano nga ba ang makukuha ko kung malaman ko kung sino ang sumusundo sa akin noong bata pa ako. Wala naman na iyong halaga, maaring isa iyon sa mga naghahatid sa akin patungong airport. Hindi na rin siguro 'yon importante.

"You won't tell me right?" Pabulong kong tanong sa kanya habang nakapikit ang aking mga mata.

Nilingon ko siya at dahan dahan siyang tumango. Ngumiti nalang ako. Kita ko sa mata niya ang lungkot.

Fallen HeartsWhere stories live. Discover now