Kabanata 8

100 21 19
                                    

Maaga akong nagising at napagpasiyahan kong mag-jogging tutal naman ay mamaya pa ang aking klase.

Bago ako lumabas ng bahay ay nakita ko ang pagiging abala ng aming mga kasambahay... I wonder what is that all about?

Habang tumatakbo ako ay nilibot ko ang tingin dito sa aming  probinsya. It is somehow, relaxing... This is my home... Hindi doon sa New York. I never asked my parents why they let me study in New York. Ako ang nag-iisa nilang anak pero hinayaan nila akong mag-aral sa ibang bansa na hindi sila kasama. Don't get me wrong, alam ko namang they love me...It just that... Napapaisip nalang ako kung bakit. Right from the start, alam nilang ayaw ko doon.

Habang nililibot ko ang aking paningin ay nahagip ng paningin ko ang lalaki na nakatingin sa akin...Iniwas ko sa kanya ang paningin ko at binilisan nalang ang pagtakbo. It is Rozen... Hindi ko alam kung bakit ang dalas ko siyang makita. Dapat ay h'wag na muna siyang magpakita sa akin, naiirita ako.

Naaalala ko kung pano siya niyakap ng girlfriend niya, kung paano sinukbit sa kanya nito ang dalawang braso. I want to be like that with him... But, ayaw niya sa akin. Ayoko siyang nakikita because I can't have him, kasi mayroon nang nagmamayari sa kanya.

Napahinto ako ng hinarangan niya ako, gumuhit sa ilong ko ang pabango niya... Nakakaadik... Pero hindi ko 'yon pinahalata sa kanya.

"Good morning, sir." Iyon na lamang ang nasabi ko ngunit bakas parin sa boses ko ang pait. Na ayokong nararamdaman.

Isa pa ito, naiinis ako sa pagiging guro niya sa amin. Lalo nitong pinapamukha sa akin ang agwat namin sa edad, na isa na siyang professional at ako naman ay isang estudyante palang... Na may alam na siya sa buhay while me, nag aaral pa lamang.

Humakabang ako patalikod dahil masyado siyang malapit... Ayoko ng masyadong malapit sa kanya, somebody owns him. Iyong mga bisig niyang iyon ay mayroon ng mayari, I want to be that girl. Napaka-suwerte niya...

"Let's talk, Ingrid.." Hindi iyon isang tanong. At mukhang wala naman akong magagawa kundi kausapin siya. Ano ba ang gusto niyang pag usapan?

"Ano po iyon?" I said, emphasizing the word 'po'. Gusto ko ding maramdaman niya 'yung nararamdaman ko, na 'yung agwat namin ay makasakit din sa kanya. Gusto ko siyang maapektuhan...

"Yesterday... I didn't know that she-" Napapikit nalang ako bago siya pigilan sa pagsasalita.

Tiningnan ko siya, "Why are you explaining this to me?" Malumanay pa ang sabi ko sa kanya dahil pinipigilan ko ang sarili ko. Baka pag hindi ko ito napigilan ay kung anu-ano na ang masabi ko.

Bumuntong hininga siya. Iniwas ko na sa kanya ang paningin ko dahil nawawala ako sa sarili kapag nakatingin ako sa kanya. Na sa tingin ko ay mapapasakin siya sa kanyang mga kinikilos ngunit hindi...

I am beyond his type. Masyado akong bata sa kanya, hindi ako katulad noong girlfriend niya and I will never be like her... Because I'm just a little girl in his eyes.

Hinatak niya ako at sinakay sa kotse niya. Hindi ako makapalag dahil sa lakas niya ngunit ramdam ko ang pag-ingat niya sa akin na baka mabasag ako sa sobrang higpit ng kanyang hawak.

Ni-lock niya ang pinto at nagsimula na siyang magmaneho, hindi man lang siya nagsalita...

Sa lakas ng pintig ng puso ko ay parang sasabog na ito... Hindi ko magawang magsalita. His actions makes me crazy...

Nagulat nalang ako ng huminto na ang sasakyan niya sa tapat ng bahay nila...Pinagbuksan pa niya ako ng pinto ng kotse niya.. And all I did was stare at him, hindi ako makagalaw!

Huminga ako ng malalim at lumabas na ng kotse. For pete's sake Ingrid! Bakit nanginginig pa 'yang mga tuhod mo...

Hinawakan niya ang pala-pulsuhan ko at nagsimula na siyang maglakad... Ang init ng palad niya! Makes my heart beats faster...

Fallen HeartsWhere stories live. Discover now