Kabanata 18

94 10 4
                                    

Dumiretso kami sa parking lot at sumakay sa kotse ko. Bago ko pinaandar ang kotse ko ay tumingin ako kay Margarette na nakaupo sa tabi ko.

"Ano gagawin natin sa inyo?" Tanong ko.

Nagkibit balikat siya at inayos ang buhok niya habang nakatingin sa salamin na nilagay ko sa dashboard ko.

Lumingon siya sa akin, "Let's watch movies. Namiss lang kita..."

"Alam mo, minsan naiisip ko na ang weird mo." Tumawa ako ng malakas.

Sinamaan naman niya ako ng tingin at kinurot. Napabaluktot ako dahil sa hapdi ng kurot niya, ang sakit mangurot ng isang 'to.

Matapos naming magkulitan ay pinaandar ko na ang sasakyan ko at binaybay ang daan patungo sa bahay nila. Kumpara sa bahay namin ay mas malayo ang bahay nila, iba din ang daan nito.

Dumaan muna kami sa isang coffee shop at bumili ng frappe. Hindi tulad tuwing weekend, kakaonti lamang ang tao ngayon na bumibili ngayon. Dahil narin siguro alanganin palang ang oras, pasado alas dos palang kasi.

Umupo kami sa labas ng coffe shop upang ubusin ang aming biniling frappe. Habang sumisimsim ako ng inorder ko ay may naisip akong itanong sa kaibigan ko. I'm curious.

"May nagugustuhan ka ba Marg?"

Tumawa naman siya na parang iyon ang imposibleng tanong na dapat niyang sagutin. She shook her head, still laughing at my remark.

Nang mahimasmasan na siya ay sinagot niya ako, "Meron akong boyfriend. He's an architecture student..."

Nanlaki ang mata ko. How come na wala akong alam? I should have know this! Dapat ay makilala ko ang kasintahan niya.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin?"

"Ipapakilala ko din siya sayo soon, naunahan mo lang ako sa pagtatanong mo." Napa-irap ako sa sagot niya. She's so unfair!

"Ibabalik ko sayo ang tanong, may nagugustuhan ka ba?" Aniya.

Ang boses niya ay halatang nanunuya. I can sense that she has the ideas about this. Right from the start, she knows something.

Pinili kong hindi sagutin ang tanong niya, tumayo lang ako dahil ubos narin naman ang inorder ko. Mukhang gano'n din naman siya dahil sumunod na ito sa akin pabalik sa sasakyan ko.

Hindi na ako ga'nong magsalita dahil baka kung ano na naman ang itanong nito. Hindi parin nawawala ang nang-aasar na ngiti niya.

Hindi ko na siya pinansin at dumiretso nalang sa pagmamaneho. Hindi naman kami nagtagal at agad din kaming nakarating sa bahay nila.

Naunang bumaba ang kaibigan ko, sumunod naman ako dito. Pinagmasdan ko ang kabuuan ng bahay nila ngunit bigla akong nakaramdam ng hilo at pagsakit ng ulo.

Huminto ako sa paglalakad at hinawakan ang ulo ko. When I realized that this feeling I'm having won't go sooner, I decided to call my friend.

"M-Marg, can you please... help me." Pinikit ko ang mata ko at baka sakaling mawala ang pagkahilo ko ngunit ng dumilat ako ay gano'n parin ang paningin ko.

I can't see clearly because of my dizziness ngunit naaaninag ko ang pagtakbo palapit sa akin ng kaibigan ko kasama ang kanilang kasambahay.

"Anong nangyayari?" Kumapit ako sa kanya dahil pakiramdam ko ay matutumba na ako.

"Bigla lang sumakit ang ulo ko at nahilo. I'm fine, don't worry..." But the headache didn't lessen, mas sumakit ito at gaya ng mga nararamdaman ko kapag nahihimatay ako ay parang tinutusok ito.

Fallen HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon