Kabanata 12

105 18 7
                                    

I watched how we passed houses. It's been two hours since I asked Klyde to runaway, a two-hour drive.

Huminto na ang pagbagsak ng mga luha ko. Wala na akong ibang maramdaman kundi ang pagod. Pagod na pagod na ako.

I glance at Klyde which is already looking at me, he's scared. I don't know why. He looks at me like a fragile thing which I am, I already broke. Binalik niya ulit ang tingin sa daan.

He didn't ask why. Siguro'y alam niyang hindi ko naman sasagutin. I don't want to remember but I don't think I'll forget.

Napatingin ulit ako sa kanya ng igilid niya ang sasakyan niya sa isang restaurant.

"You need to eat, Ingrid." Bakas sa boses niya ang pag-aalala.

I nodded, I don't want to be stubborn infront of him. Magiging abala lang ako sa kanya kung aayaw pa ako. Nauna siyang lumabas at pinagbuksan ako ng pinto. He's really a gentleman compared to his bro-

I should stop thinking about him, I should. It won't help.

Papasok pa lamang kami sa restaurant ngunit bumalik siya sa kotse niya at may kinuha roon. Pagbalik niya ay may dala siyang cap at sinuot sa akin. Nagtaka naman ako kung bakit.

"Your eyes are still puffy." Sagot niya na tila nabasa ang tanong ko sa utak.

Tumango ako at inayos ang cap na nakasuot sa akin. Habang naglalakad kami papasok ay inakbayan niya ako, I didn't bother to remove his arms.

I felt somehow protected with a damaged heart that no one could ever heal but him.

He should fix this ngunit hindi ko alam kung magkakaroon pa ako ng lakas ng loob para makaharap siya. Not when I can feel this needles inside.

"You're spacing out." Napatingin naman ako agad sa kanya. Malungkot ang boses niya habang binabanggit iyon.

"I'm sorry..." Niyuko ko ang aking ulo dahil sa hiya. I shouldn't be like this in front of Klyde and everyone else.

Nang sumulyap ako sa kanya ay malungkot parin ang mukha niya, "Tell me about it when you're ready..." The sincerity is evidence in his voice.

Tumango naman ako at inintay na lamang ang order namin na pagkain.

Sa totoo lang ay kahit gutom na ako ay wala parin ako ganang kumain ngunit dahil sa hiya ko kay Klyde ay inubos ko ang inorder niya para sa akin.

Hindi siya umiimik habang kumakain ako, maging ako ay hindi rin. Malamang ay pinapakiramdaman niya ako. Nakikita ko ang pagsulyap-sulyap niya sa akin. Alam kong mayroon siyang gustong itanong.

Nagtaas ako ng kilay ng mahuli ko ulit siyang nakatingin sa akin. Nagulat naman siya ngunit hindi niya inalis ang tingin sa akin. "Is this the reason why you can't love me?"

Napatigil na lamang ako sa pag-inom ng tubig at tumingin sa kanya. Akala ko ay biro lang 'yon pero seryoso ang boses niya. Binuka niya ulit ang kanyang bibig upang magsalitang muli, "D*mn, I can treat you better."

Natahimik ako at hindi ko malaman kung ano ang sasabihin ko. Anong ibig niyang sabihin?

I tried to laugh, "Hilig mo talagang magpatawa."

He didn't laugh. Instead, his gaze grow more intense. Binaling niya ang kanyang tingin sa gilid ko. "I'm serious, Sullivan. More than serious."

Natahimik ako. Isang nakabibinging katahimikan ang bumalot sa amin. Hindi na din siya nagsalita ngunit damang-dama ko parin ang mga titig niya.

Nabagabag ako sa sinabi niya, iyon ang totoo. Hindi ko inaasahan na ganito pala ang nararamdaman niya but I can't give back what he's offering. I am not capable of loving and trusting someone, not now. Not when I can't mend this hallow spaces inside me. Not when I still think of him.

Fallen HeartsWhere stories live. Discover now