Simula

430 48 77
                                    

Nagising nalang ako sa ingay at kaguluhan na dulot ng mga pinsan ko. Nang minulat ko ang mata ko ay puro bati ang narinig ko sa kanila.

"The youngest Sullivan is finally a lady!" Sigaw ni Lynx.

Nginitian ko lang siya at tinaas ang aking kilay, "Where's my gift?"

Umiling siya at pinagtiklop ang kanyang dalawang braso. "Wait until tonight." Tumawa lang ako at binaling ang tingin sa iba ko pang pinsan.

Nagsinudan naman ang pagbati ng iba ko pang pinsan. "Happy Birthday Ingrid." Sabay yakap sakin ni Avea.

"Still, no boyfriend allowed." Ma-awtoridad na sabi ni Bryle sakin.

I flashed a smile, "Wow. Gusto niya siya lang ang lagi ko parin kasama, how sweet." Pabiro kong sinabi 'yon.

Bryle is my most over protective cousin. Kami 'yung pinaka-close sa lahat ng pinsan ko. We've been the best buddies since forever.

Umigting ang panga niya dahil inasar narin siya ng iba pa naming pinsan. "Ingrid, pagbigyan mo na yan. Ikaw lang ang nakakaintindi diyan." Tumawa ako sa sinabi ni Speed.

Tiningnan ko ng mabuti si Bryle, umiling siya at mahinang sinapak sa braso si Speed.

"Fvck you dude."Lalong lumakas ang tawa ni Speed.

"Nasaan nga pala 'yung iba pa nating pinsan?" Tanong ko.

"They're busy preparing for tonight. Mas excited pa sila kaysa sayo." Natatawang sagot ni Lynx sakin.

Nakarinig kami ng katok at agad na pumasok si Manang Marta, "Pinaba-baba na kayo ni Alexandra upang kumain ng umagahan."

Nagsi-tanguan kami at agad agad na bumaba upang kumain ng umagahan.

Narinig ko pa ang sabi ni Speed, "Makakakain narin ako ng totoong pagkain, finally!"

Galing siya sa Cebu, inayos niya 'yung plantation nila doon. 'Di ko naman alam kung ano ang ginawa niya doon dahil wala akong alam sa business ng angkan namin.

Speed is the oldest among Sullivan clan. Kaya siya ang pinaka-inaasahan sa'ming magpipinsan. He's mature enough when it comes to business pero pag nagkakasama na kaming magpipinsan, lumalabas ang kapilyuhan niya.

Habang kumakain kami ay halatang halata silang lahat na excited na para mamaya, my debut. Ilang buwan din namin 'to pinaghandaan. Ako nalang daw kasi ang huling magdidebut sa'ming magpipinsan. Yes, I'm the youngest.

"Ready for tonight, anak?"

Nginuya ko muna ang nasa bibig ko bago sumagot kay mommy. "Yes, my. Mas maganda sana kung madami akong kaibigan para mas masaya."

Hindi ako dito lumaki. Sa New York ako nag-aral. Doon na din ako nanirahan pero dumadalaw naman ako dito tuwing bakasyon. Now I'm staying here for good. Dito na ko mag-aaral ng college.

Nginitian ako ni mommy at daddy. "Magkakaroon ka na ng kaibigan dito pagdating mo ng college, don't worry about that."

Tumango ako pero nabaling ang atensyon ko ng tumikhim si Bryle. "Okay na din po na wala siyang kaibigan, tita. Para wala pong umaaligid na lalaki diyan."

Sabay namang tumawa si mommy at daddy. "She's a lady now, Bryle. Hayaan mo na." Bumaling si Daddy sakin. "Just let me know kapag mayroon nang nanliligaw sayo, Ingrid." Ngumisi naman si Daddy na parang may pinaplano.

"No. Don't have plans about boys. Won't let anyone court me." Seryoso kong sabi sa kanila. Hindi ibig sabihin na 18 na ko ay kailangan ko na ng boyfriend. I don't need boys.

Fallen HeartsWhere stories live. Discover now