Kabanata 9

91 20 11
                                    

Nagpapasalamat ako dahil weekend na at wala kaming klase. Ayoko na atang pumasok dahil sa detension na iyon...It is beyond detension, it is torture.

That night, I can't sleep...Hindi ko na nga alam kung paano ang gagawin ko para matulog. I tried counting until I'm sleepy but no, it's not even effective. Kaya lamang ako nakatulog ay dahil sa pagod...

Ngayong araw na ito ang napag-usapan namin ni Klyde na paggawa ng visual aids...Kakaunting oras lamang ako nakatulog at sa tingin ko ay mukha na akong zombie.

At habang iniintay ko si Klyde sa porch namin malapit sa garden ay di ko namalayang nakatulog pala ako.

Nang nagising ako ay nakita ko si Klyde na tahimik at seryosong nagtitipa sa kanyang laptop...Nakakahiya.

"I'm sorry Klyde! Dapat ay ginising mo na lang ako.." Nag-aalangan kong sabi.

Imbis na magalit si Klyde ay isang ngiti na lamang ang iginawad niya sa akin...Sumulyap ako sa relo ko, it's already 10:48 am! Halos dalawang oras akong nakatulog!

"Klyde, ako na.." Agad kong kinuha sa kanya ang hawak niyang laptop at tiningnan kung hanggang saan na ang nagawa niya para sa visual aids namin.

"Sleep, Ingrid... Dapat ay bukas nalang natin ito gawin, you look tired." Suhestiyon niya.

Umiling ako, "Let's do it now Klyde. I'm not tired..." Pagkumbinsi ko sa kanya, mabuti na maaga namin itong matapos para mapaghandaan talaga namin. Bukod dito, bukas magpapasukat ako ng gown para sa kasal ng kapatid ni Marg. Sinali niya ako sa mga abay doon...

Tinaas niya ang kanyang kilay na mukhang hindi kumbinsido ngunit tumango nalang siya at kinuha ang papel sa dala niyang bag. Tinuloy ko nalang ang tinipa niya kanina dito sa kanyang laptop...

Prehistoric Age ang napunta sa aming topic... Hindi ko talaga gusto ang history, masyado itong nakakantok. Sa ginagawa ko ngayong pagtitipa ay lalo lamang akong inaantok.

Lumingon ako kay Klyde na seryosong nagsusulat sa papel... "Klyde?"

"Hmm?" Hindi siya lumingon sa akin at seryoso parin siya sa pagsusulat. Isa lamang ang natutunan ko kay Klyde, iyon ang pagiging seryoso niya sa pag aaral. Ang nasa harap ko ngayon ay malayong malayo sa pagiging playboy niya.

"Magkwento ka naman.." Humikab pa ako bago masabi iyon, inaantok talaga ako lalo na dito sa topic namin...

Nilingon niya ako at ngumiti bago ibalik ang tingin niya sa papel. "Ano naman ang ikukwento ko?" Natatawa niyang sabi.

"About yourself." Iyon na lamang ang nasagot ko sa kanya. Hindi ko din naman siya ganong kakilala kaya mabuti din siguro ito.

He shrugged his shoulders, "About me? Bukod sa pagiging gwapo ko ay ano pa ang hindi mo alam?"

Natawa na lamang ako sa sinabi niya. Sa palagay ko ay parte na talaga ng kanyang pagkatao ang pagiging mahangin.

Nang tumigil ako sa pagtawa ay ibinalik ko na ang mata ko sa aking ginagawa. Mukhang hindi naman niya gustong magkwento... At sa tingin ko ay hindi ko din naman na kailangan pang malaman kung ano siya, we are fine being like this.

Nagulat na lamang ako nang nagsalita ulit si Klyde.

"Hindi talaga ako Benavidas..." Agad akong napatingin sa kanya, bakas sa mukha ko ang gulat. Ngunit sa kanya ay parang isa lamang iyon simpleng bagay, ganoon parin ang emosyon niya at patuloy parin ang pagsulat niya.

"H-ha?" Ito na lamang ang nasabi ko.

Tumingin siya sa akin at ngumiti but pain is all over his eyes. Hindi ko siya gaanong maintindihan pero parang nasasaktan akong makita siyang ganyan.

Fallen HeartsDonde viven las historias. Descúbrelo ahora