Kabanata 1

194 46 65
                                    

Plantation

Nasa hapag kainan kami nila mommy at daddy. They're talking about some business.

"Kakausapin ko muna si Rozen." Napatingin ako kay Daddy na para bang may nasabi siyang maganda.

'Di ako pinatulog ng aking utak matapos ang debut ko. And it's something about Rozen. Hindi ko makalimutan ang pagiging cold niya sa'kin.

Tumikhim ako upang mabaling ang atensyon ni Daddy sa'kin. Nagtaas siya ng kilay. "Daddy, sino po si Rozen?" Nag-aalanganin kong tanong sa kanya.

Lalong nagtaas ng kilay si Daddy kaya kinabahan ako. Nag-iisip na ako ng dahilan para 'di mapansin ni Daddy na apektado ako ngunit bago ko pa 'yon masabi ay nagsalita na siya. "He is the son of Governor Gregory Benavidas. Isa siya sa business partner ng plantation natin."

Anak ng Governor kaya siguro gano'n siya maka-asta. He's probbably arrogant. Matinik at mahilig din siguro ito sa mga babae dahil kasama niya ang mga pinsan kong lalaki.

Tumango nalang ako at 'di na ulit binuksan ang topic na 'yon. Ayokong malaman ni Daddy na interesado ako sa isang lalaki dahil siguradong magiging hysterical ito.

Pinagpatuloy naman nila ang pag-uusap tungkol sa aming plantation.'Di ako gano'ng nakikinig sa kanila dahil hindi naman ako interisado sa business naming iyon.

Nabaling na lamang ang atensyon ko sa kanila ng tinawag nila ako. "Come on, Ingrid."

Tumayo si Daddy at Mommy habang ako ay sumunod sa kanila. Huminto sila sa garage namin, nagtaka naman ako ng binigyan ako ni Daddy ng isang maliit na box.

Tinaas ko ang kilay ko at binuksan ang kahong iyon. Laking gulat ko ng makita ko ang susi sa loob ng kahong 'yon. "Happy Birthday, Ingrid."

Napatalon ako sa tuwa at hinanap kung saang kotse ba nararapat ang susi na ito. Nadako ang tingin ko sa itim na Honda Civic. Napaawang ang bibig ko at sinisigurado kung panaginip lang ba ito. "Go, Ingrid. Subukan mong gamitin ang kotse mo."

Napatingin ako kay Daddy at binigyan ko siya ng tingin na nagtatanong kung sigurado ba siya at tumango naman siya. Agad akong pumasok sa bago kong kotse at iginala ang aking kamay sa manubela nito.

Sa wakas ay makakapag-drive na ko ng sarili kong kotse. Pwede na akong pumunta kahit saan ko gustuhin.

Ipinasok ko ang susing hawak ko at ini-start ang kotseng ito. Ang tunog ng pag-ugong nito ay parang musika sa aking tenga.

Nagmaneho na ako at ramdam na ramdam ko parin ang aking saya habang hawak ang manubela. Ni-road test ko ito hanggang sa mapagod na ako.

Iba talaga ang ganda ng aming probinsya. Tahimik at malakas ang hanging sasalubong sayo. Hininto ko ang sasakyan ko sa plantation namin na 'di kalayuan sa aming bahay.

Luminga-linga ako upang hanapin si Speed. Siguradong naririto lamang iyon. Nang matagpuan ng mata ko si Speed ay kumaway ako. "Speed!"

Nabaling ang atensyon niya sa'kin at pati narin ang mga kasama niya. At bigla akong kinapos sa hangin nang nakita kong lumingon si Rozen sa'kin. But then, his annoyed expression showed.

Sinubukan kong umarteng natural. lumapit ako kila Speed kung saan naroroon si Rozen. Nakatingin parin ito sakin ngunit wala na 'tong emosyon.

Ngumiti ako dito ngunit di ko 'yon nakuha pabalik. Tinikom lamang niya ang kanyang bibig at ipinagpatuloy ang ginagawa niya.

Lanzones at Rambutan ang nakatanim ngayon sa aming lupa. Kumuha ako ng isang lanzones at tinikman iyon. Napadila ako nang nalasahan na mapakla pa ito at hindi pa ganoon katamis.

Fallen HeartsOn viuen les histories. Descobreix ara