Kabanata 10

101 20 10
                                    

"Don't worry, I'll be back soon." Nakangiti pa niyang saad.

Naiinis ako sa kanya, hindi iyon maipagkakaila. Ayos lang naman sa akin na pumunta siyang ibang bansa basta't masaya siya at hindi ganitong biglaan!

"You should..." Ngumiti na lang ako. Gusto niya rin naman ito. Besides, hindi magandang umalis siya baon ang sama ng loob namin.

"Take care of yourself, Ingrid." Aniya at hinalikan pa ang noo ko.

Bitbit niya ang isang maleta at ang jacket naman niya ay nakasabit sa kanyang kaliwang braso.

"Ingat ka, Speed!" Masiglang bati ni Minerva. Napa-irap na lamang ako sa kawalan.

Si Minerva ang girlfriend ni Rozen, kanina ko lang nalaman na Minerva pala pangalan niya. Sinama pa talaga ni Rozen sa paghahatid kay Speed dito sa airport.

She's kind. Iyon ang sabi sa akin nila Speed at Bryle. Mukha rin namang ka-close ito nila dahil kasama pang naghatid dito sa airport kay Speed. Pansin ko ang pagiging palangiti niya pero sa tuwing napapadako ang tingin ko sa mata niya, iba ang pinapakita nito.

Bakit naman siya magiging malungkot? She have Rozen...

Hindi ko alam kung bakit naiinis ako sa presensya niya gayong wala naman siyang ginagawa sa akin na masama. I just... envy her. She have him.

Galit nga ako kay Rozen pero hindi ko mapigilang kumirot ang dibdib ko dahil may kasama siyang iba which I once dream to be.

Pinagmasdan ko ang likod ni Speed hanggang sa hindi ko na iyon natanaw. Sana ay hindi ganon katagal ang pagkawala niya. I wanted to know his reason. Alam kong hindi lang ito tungkot sa trabaho ngunit kabilang dito ang lubos niyang minahal na babae. Maybe one day I'll know...

"Halika na, Bryle." Hinawakan ko ang balikat niya. Agad naman siyang lumingon sakin at  binaling ang tingin sa likuran ko kung saan naroon si Rozen.

"Doon ka nalang sumakay sa kotse ni Rozen." Binalik niya ang tingin sa akin.

Nanlaki naman ang mata ko. I won't ride at him! Lalo na't kasama niya ang girlfriend niya, I won't.

Agad akong umiling bilang tugon sa sinabi ng pinsan ko. Nagtaas naman siya ng kilay at kinurot ang pisngi ko dahilan para paluin ko ang kamay niya.

"Magsusukat ka para sa kasal ng kapatid ng kaibigan mo diba? Rozen too." Nagulat na lamang ako. Ibig sabihin ay kaibigan din siya ni Kuya Cron?

Magsasalita pa lamang ako ng nagsalita ulit si Bryle. "Sabay na kayo, I have plans for today." Kumunot naman ang noo ko. Di kaya pupuntahan niya ang girlfriend niya? I wanted to meet her!

Nais kong kulitin si Bryle pero naiisip ko pa lamang na magkasama kami nila Rozen at Minerva sa iisang kotse ay nawawalan na ako ng enerhiya. Wala naman akong magagawa. I guess I'm stuck with the lovers. Napairap naman ako sa ideyang iyon.

Pumayag si Rozen at sumunod nalang ako sa kanilang dalawa ni Minerva patungong parking lot. Napapansin ko ang hindi gaanong pagkibo sa akin ni Minerva. Maybe she fell what I'm feeling towards her.. Ayokong maramdaman ang inis sa kanya ngunit hindi ko iyon mapigilan.

Nagpaalam ako kay Bryle bago pumasok sa loob ng sasakyan ni Rozen. Si Minerva ay nakaupo sa shotgun seat habang ako ay nasa likod nilang dalawa dito sa passenger seat.

Ito ang naging dahilan ng lalo kong pagkainis. I look like a third wheel here!

Rozen started driving habang si Minerva naman ay nagsasalita, "I remember last year..."

Hindi ko na iyon pinakinggan at ipinasak na lamang ang earphone sa tenga ko. Nagkasalubong ang mata namin ni Rozen. I don't know but somehow, I felt this pain inside my chest. He look sorry...

Fallen HeartsWhere stories live. Discover now