Kabanata 3

141 34 35
                                    

"You gave him the cookies you made for me."

Napagitla naman ako ng marinig ang boses na iyon.

Biglang tumigil ang mundo ko at tanging ang mabilis lamang ng pagtibok ng aking puso ang naririnig ko. Marahil ay dahil ito sa kaba.

Malamig ang kanyang boses habang sinasabi niya iyon na tila ba sa lahat ng ginawa ko ay 'yon ang pinakamaling desisyon.

Unti-unti akong bumaling sa likod ko upang makita ang kanyang reaksyon. Ganoon parin ang kaba ko at lalo akong kinabahan dahil sa reaksyon niya, malamig at may pagka-irita ang mukha niya.

What to do now? Tumakbo nalang kaya ako at umuwi nalang sa bahay?

Hindi magandang ideya 'yon dahil wala naman akong kasalanan na ginawa sa kanya. Naninigas parin ang katawan ko at ang tangi ko nalang nagawa ay ang paglunok.

Tumikhim ako at naghanap ng mga salitang bibigkasin sa kanyang harapan, "Hindi mo naman tinanggap iyon kaya binigay ko nalang sa kanya."

Buo at matapang kong saad sa kanya ngunit hindi ganoon ang nararamdaman ko, puno parin ng kaba at tensyon ang aking katawan.

Umigting ang kanyang panga at matalim akong tinitigan. "But you made it for me. At sa kapatid ko pa talaga binigay."

Umiling ako at humawak sa isang lamesa doon upang kumuha ng suporta dahil pakiramdam ko ay bigla na lang ako matutumba dahil sa nanghihina kong tuhod.

"You should've accepted it, Rozen." Mahinahon kong sagot sa kanya dahil hindi ko kayang magalit gayong nanghihina ang aking katawan.

Tumingin siya sa malayo at kumunot ang kanyang noo. "You can't do that, Ingrid. Na sa tuwing tatanggihan kita ay hahanap ka na agad ng iba."

Isang ngisi ang lumabas sa aking labi at ang nanghihina kong katawan ay bigla nalang nagkaroon ng enerhiya. "Why are you affected, Rozen?"

Tumitig siya sa'kin, isang titig na parang tinitingnan at kinikilatis ang buo kong pagkatao. Why are doing this Rozen? Lalo lang ako umaasa na mayroon tayong pag-asa.

"Kain na!" Narinig kong tawag ni Avea.

Tumitig ako kay Rozen ngunit mukhang wala naman siyang nais sabihin kaya nagsimula na akong maglakad patungo sa aking mga pinsan.

Nagulat nalang ako ng bigla niyang hablutin ang hawak kong cellphone at agad niya itong binulsa.

Napa-nganga naman ako sa ginawa niya. Kukunin ko na sana ang cellphone ko ngunit nakita ko ang mga titig sa'min ng mga pinsan ko. Kaya hindi ko nalang itinuloy.

Oo nga pala, kaming magpipinsan lang ang dapat na nandito! Bakit nandito si Rozen?

Tumungo na ako sa aking mga pinsan. "Let's have some fun!" Rinig kong sigaw ni Speed.

Nilabas niya mula sa kanyang likod ang isang bote ng alak. Napailing nalang ako, bakit pa nga ba ako magtataka? Sa tuwing magsasama kaming magpipinsan ay lagi silang nag-iinuman.

Ngunit gusto ko kapag nalalasing ang mga lalaki kong pinsan, hindi dahil lumalandusay sila kung saan-saan ngunit dahil nasasabi nila ang mga salitang hindi nila nasabi.

Noong huling nalasing si Speed ay nalaman naming lahat na minsan din pala siyang nagmahal ngunit niloko lang siya nito at 'yon ang dahilan kung bakit wala na siyang sineseryosong babae.

Nagsigawan naman ang mga lalaki kong pinsan. "Baka umiyak ka na naman dahil sa ex mo kapag nalasing ka Speed." Panunuya ni Riley

Natawa nalang ako sa sinabi ni Riley. Hindi naman talaga umiyak si Speed noon pero alam naman namin na nasaktan siya ng todo. Ngunit sa tingin ko ay wala ng nararamdaman pa si Speed sa ex niya dahil hindi naman na siya affected.

Fallen HeartsWo Geschichten leben. Entdecke jetzt