Kabanata 2

174 45 58
                                    

"Ingrid!" Napalingon naman ako sa tumatawag sa'kin. Si Bryle at si Avea.

Kumaway naman ako sa kanila. Nandito ako sa plantation namin. Naisipan kong dumalaw ulit dito dahil gusto ko siyang makita at makilala pa. Gusto kong malaman kung ano ang problema niya sa'kin.

Lumapit si Bryle at Avea sa'min ni Rozen. Nakakunot naman ang noo ni Bryle marahil ay 'di masaya na makitang magkasama kami ni Rozen.

Gano'n parin ang trato sa'kin ni Rozen pero 'di ko siya susukuan gayong nalaman ko kay Klyde na wala siyang girlfriend at walang magagalit sakin.

"Bakit ka nandito, Ingrid?" Bakas sa boses ni Bryle ang inis at pagka-irita.

Itinuloy ko parin ang pagtulong kay Rozen habang sinasagot ang tanong na 'yon ni Bryle. "Because it's our business."

Tumingin ako sa kanya at lalo kong nakita ang pagka-irita niya. "Last time I check, wala kang hilig sa negosyo ng ating angkan."

Nakita ko sa gilid ng aking mata ang pagsulyap sa akin ni Rozen kaya binaling ko ang atensyon ko sa kanya. "Change of heart, Bryle." Makahalugan kong sagot kay Bryle at tiningnang maiigi si Rozen. Nakatitig lang din siya sa'kin at umiling na mukhang 'di nagustuhan ang aking sinabi.

Kahit ano naman ang gawin ko ay ayaw niya. Malapit nga lang ako sa kanya ay naiirita na siya sa'kin kundi nga lang siguro ako isang Sullivan ay pinalayas na niya ako sa'ming lupain.

Narinig ko ang malutong na mura ni Bryle bago siya magsalita. "Hindi ko gusto ang ideyang iyan, Ingrid."

Ngumisi ako sa kanya. "Me, neither."

"But we need to accept it, na balang araw ay mapapasakin din ito." Makahulugan kong tiningnan si Rozen. Ngumisi ako sa kanya.

"Ang alin, Ingrid?" Seryoso ang mukha ni Rozen habang tinatanong niya 'yon. Hindi na ako nagulat sa ekspresyon niyang 'yon.

Nagtaas ako ng kilay sa tanong niyang iyon at ang mapaglarong ngiti ay 'di ko na napigilang ilabas. "Ang aming negosyo, Mr. Benavidas. Ano ba ang iniisip mo pang magiging akin?" Tiningnan ko siya na parang hinahamon ko siya.

But then, kumunot ang kanyang noo at ibinalik na ang kanyang atensyon sa kanyang ginagawa. Naaapektuhan ka na ba Rozen Benavidas?

Naiinis ka narin ba sa'kin gaya ng pinapadama mo sa'kin? Kung ganoon ay tama ang ginagawa ko, I want you to frustrate more. Hanggang sa 'di ka na maka-ahon at ang tangi mo nalang magagawa ay sumabay sa pagkahulog ko.

"Ingrid, kailangan na naming umalis. Napadaan lang kami dito upang ipaalala sa'yo na mamayang gabi ay kila Lynx tayo upang magkaroon tayo ng konting pagsasalo. Kilala mo naman ang mga pinsan na'ting mga lalaki." Paalala ni Avea, pinsan ko din siya. Magkapatid sila ni Bryle.

Ngayon nga pala ang usapan naming mag-pipinsan. Kung hindi ito pinaalala ni Avea ay malamang nakalimutan ko na ito at hindi ako pumunta mamaya.

Tumango naman ako bilang pag-sang ayon sa kanyang paalala. "And they're requesting you to cook some foods."

"Sige, ako na bahala." Naka-ngisi kong sagot.

Nagpaalam si Avea sa akin at kay Speed at bago namang umalis si Bryle ay tiningnan niya ng masama si Rozen. "We'll talk later, Ingrid."

Napalunok naman ako sa sinabing iyon ni Bryle. Bakas sa boses niya ang awtoridad at galit habang sinasabi 'yon. Ngayon pa lamang ay kinakabahan na ako sa maari naming pag-usapan mamaya.

Kilala ko siya at sigurado akong wala akong takas sa bawat tanong. Kilala niya ako at ang bawat kilos ko, alam na alam niya kung lumulusot lang ba ako o nagsisinungaling. He know me that much at ito ang dahilan ng lalong pagkabog ng aking dibdib.

Fallen HeartsWhere stories live. Discover now