Kabanata 5

119 28 24
                                    

Mabilis ang paglipas ng mga araw at hindi ko namalayan na pasukan na pala. Ang bilis ng panahon.

I still remember the eleven year old version of me, a very fragile one. Ang laging iyakin, laging mahina. Ang tampulan ng tukso at panunuya sa ibang bansa. But one day I've gotten my mind and become what I need, my own hero.

Hindi ko na maalala pa ang mga memorya noong bata pa ako marahil ay hindi ko gusto ang mga iyon. Marahil ay mas mahina ako ng mga panahong iyon. Ang naalala ko lang sa aking pagkabata ay noong eleven years old lang ako.

"Thank you, manong." Agad akong bumaba sa aming sasakyan at tiningnan ang kabuuan ng paaralang ito.

It looks great. Mukhang maayos naman ang mga building nito at madaming mukhang mabait!

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at hinanap ang building na nakalagay sa schedule ko.

Si Manang Marta ang nag-enroll sa akin dito. Siya ang nagpumilit na mag-enroll para sa akin dahil siguro'y nakasanayan na niya ito. Manang Marta's with me in New York. Siya lang ang kasama ko doon at ang nag alaga sa akin sa ibang bansa.

Siya ang tumayo bilang pangalawa kong ina. At iyon ang kinakatuwa ko dahil alam kong ganoon din ang tingin niya sa akin, anak.

Nang matagpuan ko na ang building na iyon ay agad naman akong tumakbo dahil walong minuto na lamang ang natitira at magsisimula na ang klase ko. Hindi ko namang gusto na ma-late sa first day of school ko dito sa Pilipinas!

Agad akong pumasok sa elevator dahil sa third floor pa ang aming class room. Hindi naman agad sumarado ang pinto ng elevator dahil sunod sunod ang pagpasok ng iba pang estudyante.

Nakahinga ako ng maluwag nang sumarado na ito at nagsimula na ang pag-andar nito. Nagmamadali akong lumabas ng elevator paghinto nito sa third floor.

Sinulyapan ko ang relo ko. Late na ako ng dalawang minuto. Hindi naman siguro saktong papasok ang aming prof ngayon dahil first day palang naman. Napailing nalang ako at nagmamadaling pumasok sa room namin.

Naabutan ko naman ang isang babae na nasa 30 palang siguro. Mukha naman itong mabait. Nang nakita niya ako ay agad akong yumuko, "Sorry po."

Nabaling naman ang lahat ng atensyon sa akin. Uminit ang pisngi ko sa hiya. Great, just great.

Hindi naman nagalit ang prof namin at agad akong pinaupo sa bandang dulo. Nakatabi ko ang isang babae doon sa kaliwa ko at sa kanan ko naman ay bakante.

"Hi, I'm Marg!" Naglahad siya ng kaniyang kamay at agad ko naman itong kinuha.

"Ingrid." Pagpapakilala ko.

Nginitian niya ako pabalik. Unang kita ko palang sa kanya ay magaan na ang loob ko sa kanya marahil sa mala-anghel niyang mukha.

Nagtawag naman ng mga pangalan ang aming prof. "Klyde Benavidas!"

Nanlaki ang mata ko. Klyde is here! Kaklase ko siya sa subject na ito. "Present ma'am." Narinig ko ang boses niyang nasa gilid ng bintana.

Narinig ko naman ang maliliit na tili ng mga babae kong kaklase. I heard one of them say, "Damn so hot."

Napailing nalang ako sa mga babae dito. Really? Tama nga na isa siya sa pinagkakaguluhan ng mga babae dito sa aming probinsya at ang pagiging playboy niya.

Lumingon naman sa akin si Klyde na ngayon ay nakangisi. Mukha siyang nagmamalaki na maraming babaeng handang lumuhod sa kanyang harapan. Inirapan ko naman siya pero nakangisi parin ako.

Iba't-iba pang pangalan ang natawag ngunit hindi ko na iyon pinansin dahil nag-vibrate ang cellphone ko sa aking bulsa.

Tiningnan ko ang aming guro na diretso sa papel na kaniyang binabasa. Kinuha ko ang aking cellphone at agad na binuksan kung kaninong mensahe ang natanggap ko.

Fallen HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon