Chapter 22 : Kathy's Gang

1.4K 29 0
                                    

Aria's Pov  (Kathy's GangMate and Friend)

"Aria , Nasabi mo ba kay Queen na andito tayo sa Pinas ?"Kenjie

"Tch . Alam mo ba ang salitang SURPRISE ha !!"Maangas kong sambit .

"Oo na , Sorry na ."Kenjie sabay lapit kay Abigail .

Tch . Kahit kelan talaga .

"So where's queen ?"Angelo sabay upo sa tabi ko .

"Itetext ko na siya later , Nakapagpalista na ba kayo ni Yna sa Gang Fighting ?"Ako sabay lublob ng paa ko sa pool .

"Hmm . Yeah . This sunday na pala yun . Buti nakaabot tayo ."Angelo sabay hawak sa kamay ko .

Tinagtag ko yung  kamay niya sa kamay ko .

"Angelo , Stop it okey ."Ako sabay lakad papunta sa loob ng Headquarters .

"Aria ,"

Napatingin ako sa tumawag sa akin .

"Ohh !! Ronnie Your here ."Ako sabay yakap sa kanya .

"Bakit dito pa kayo tumuloy ?"Ronnie sabay upo sa Couch

"Saan pa kami tutuloy ?"Ako sabay upo sa tabi niya .

"Sa bahay nila Kathy . Wala ang mga parents niya dun ."Ronnie

"Dito na lang muna kami . Hindi din naman kami magtatagal dito . Once na tapos na ang Gang Fight at Gang Ball babalik na agad kami sa Amsterdam ."Ako sabay higa sa lap niya .

"Kamusta ka naman ?"Ronnie

"Eto ang sakit pa rin , pero unti unti na ring naghihilom ."Ako sabay pikit ng mata ko .

"Mahal mo pa ba ?"Ronnie

Mahal ko pa nga ba ?

"Siguro , Ewan ."

"Andito lang ako para sayo Aria ."Ronnie sabay kiss sa tip ng ilong ko .

"Thanks . RonRon ."Ako sabay pitik ng ilong niya .

"Ouch ."Ronnie sabay hawak sa ilong niya .

"Oyy ? Sorry napalakas ba ."Ako sabay upo ng ayos

"Hindi , Nag iinarte lang ako ."Ronnie sabay tawa .

"Wag mo nga akong pagtripan ."Ako sabay palo sa braso niya .

"Sa sunday na ang laban niyo , Gusto mo bang Nandun si Queen ?"Ronnie

"Oo naman , Kaya bukas samahan mo kami sa kanilang bahay ha !!"Ako sabay baba at taas ng kilay ko .

"Ang pangit mo , Kaya ka ata hiniwalayan ni Angelo ."Ronnie sabay ngisi .

"Stop that . May third party kaya kami naghiwalay ."Ako sabay yuko at pinaglaruan ko na lang ang mga daliri ko .

"Si Yna ang Third Party kaya kayo naghiwalay . Hindi din naman kasi natin masasabi na hawak na natin ang puso ng taong mahal natin . Hindi din naman kasi natin hawak ang puso niya para sayo lang siya magkagusto . Hindi din naman sinadya ni Angelo na mahulog kay Yna . Walang may kasalanan ."Ronnie

Hindi ko mapigilang mapaluha sa mga narinig ko , Unti-Unti na namang bumabalik ang mga alaalang matagal ko ng binaon sa limot .

"Aria , Okey ka lang ? Sorry hindi ko naman sinasadya ."Ronnie

Pinunasan ko ang luha ko at agad tumingin kay Ronnie .

"Hahahahaha 😂😂 Okey lang ako noh !!"Ako sabay tayo at akyat sa taas .

Bakit ganun isang taon na ang nakalipas pero parang hindi pa rin humihilom ang mga sakit na dulot niya sa akin ?

Ang sakit sakit pa rin pala .

Akala ko wala na , Akala ko Hindi ko na siya mahal , Akala ko Wala na yung sugat . Yung sugat na kahit kelan pala ay hindi na maghihilom pa .

Kira's Pov  (Kathy's Gangmate and Friend)


The DARETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon