Epilogue (Special Chapter)

Start bij het begin
                                    

Di rin nagtagal ay naubos ang estudyante sa loob hanggang sa ako na lamang magisa ang nagaayos ng aking laptop duon.

"Sofia" tawag ni theresa sa akin pagkabukas niya ng pintuan. Ang klase niya ay nasa kabilang classroom lang kaya hindi na ako ganuon nagulat ng puntahan niya ako.

"Oh bakit?" Nakangiting tanong ko sa kanya.

"Magnaghahanap sayo" medyo pekeng ngiting sabi nito sa akin at tsaka ako nito pinanlakihan ng mata.

Kaagad na kumunot ang noo ko hanggang sa manlaki ang aking mga mata ng makita ko kung sino ang taong nasa likuran nito.

"Callum!" Sigaw ko at kaagad akong napahinto sa ginagawa ko at tsaka mabilis na yumakap sa kanya.

"Miss na miss na kita" sabi ko dito habang yakap ko siya at mabilis din naman niyang ginantihan ang aking yakap.

"Ano yan? Nakalunok ka nanaman ng pakwan?" Pambibiro nito sa akin dahil sa medyo may kaumbukan ko ng sinapupunan.

Bago pa ako nakapagsalita ay nakita ko ang pagsenyas sa akin ni theresa na aalis na muna siya kaya naman kaagad ko din siyang tinanguan.

"Ang tagal mong hindi dumalaw" pangungunsensya ko dito.

"Sorry medyo busy kasi duon sa Macau, duon na nakabase ang main office namin ngayon" pagpapaliwanag niya kaya naman nginusuan ko na lamang siya.

Malaki na din si Catalina ang baby girl nila ni Andi, sa ngayon wala pa akong gaanong balita tungkol sa kanilang dalawa, basta ang alam ko lang ay maayos naman ang samahan nila para sa anak.

"Lunch?" Tanong niya sa akin na walang pagdadalawang isip kong tinanguan.

"Sofia" seryosong tawag ng kakapasok lang na si sir zach.

"So here's alonzo..." natatawa at naiiling na lamang na sambit ni callum dito.

Nakapoker face si zach duon sa may pintuan kaya naman imbes na matakot ako sa kanya ay tinaasan ko siya ng kilay.

"Kakain kami ng lunch ni Callum...tutal naman ay ayaw mo akong pakainin ng hotdog" sabi ko dito habang narinig ko pa ang mahinang tawa ni callum sa aking tabi sa di kalayuan.

Hinanda ko na ang sarili ko para sa gagawin nitong protesta pero halos malukot ang mukha ko ng tumango ito at tsaka tumingin kay Callum.

"Ingatan mo ang asawa ko Samaniego, kung hindi ako ang makakalaban mo" pagbabanta pa nito kay Callum pagkatapos ay mabilis na lumabas sa class room.

"Oh, anong nangyari sayo sofia?" Natatawang tanong sa akin ni callum na may halo nanamang pangaasar.

Lalo tuloy nadagdagan ang inis ko kay Sir Zach, kung ipamigay niya ako sa iba ay ganun ganun na lamang, samantalang dati ay ni lumabas lamang ng aming bahay ay hindi siya papayag na hindi ko siya kasama.

"Gusto mo ba talagang makasama kong magLunch?" Parang pangungunsensya pa ni callum sa akin.

Hawak niya ang lahat ng bag ko pwera na lamang ang shoulder bag na nakasukbit sa akin ngayon. "Wag ka ngang maingay, basta pakainin mo ako ng hotdog" sabi ko sa kanya at tsaka nagmamadaling umalis ng school dahil may klase pa akong dapat pasukan ng 1:30.

Ngakwentuhan kami ni Callum. Madami siyang baong kwento at mga litrato ng Baby niya. Ang cute cute nito at bibbo, manang mana kay callum nung mga bata pa kami.

Hindi din naman kami gaanong nagtagal dahil meron pa namang next time dahil may dalawang linggo pa siyang magstay dito sa pilipinas.

Hinatid ako ni Callum sa main gate dahil may kailangan pa din siyang puntahan. Bago pumasok sa klase ko ay sinubukan ko munang silipin ang aking asawang medyo beastmode pero kagat labi ako ng makita kong wala na siya sa kanyang office.

The Bachelor's Lost Love (Great Bachelor Series #5)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu