Epilogue (Special Chapter)

Magsimula sa umpisa
                                    

Bumagsak ang balikat nito dahil sa aking sinagot sa kanya. "Tayo naman ang may ari ng university, kakausapin ko na lang ang dean ng college niyo para magpasubstitute muna ng ibang professor" pangangatwiran pa nito pero nginitian ko lamang siya.

"Hindi po talaga pwede, wag ng makulit ok?" Laban ko din sa kanya at tsaka ko siya sandaling hinalikan sa maya labi.

Alam niyang pagsinabi kong wag ng makulit ay kailangan niya ng tumigil sa pangungulit sa akin. Lalo na ngayon ay buntis ako, ayoko ng masyadong kinukulit ako.

After lumabas ang result ng Pharmacy board exam ay halos tatlong buwan muna akong nagpahinga bago ako nag academe. Mas pinili kong magturo ng pharmacy program sa university dahil kahit naman nung bata pa ako ay gusto ko din sanang maging teacher.

Pagkatapos kong maligo ay sabay din kami nitong bumaba sa may dinning para makakain na, medyo tanghali na din buti na lamang at alas diyes trenta pa ang unang klase ko para sa ngayong araw. Nakaalis na din si Zeus at naihatid na sa school.

"You should have wear flats Sofia" seryosong sabi nito sa akin habang nilalagyan niya ng pagkain ang aking pinggan.

"Mas comfortable ako dito eh..." pangangatwiran ko sa kanya at tsaka laagad na sinubo ang hotdog na inilagay niya sa aking pinggan.

Masyado kasi itong protective sa akin lalo na ngayon na dinadala ko ang second baby namin. Ni umakyat nga sa hagdan ay halos hindi ako makagalaw dahil sa ginagawa nitong pagalalay sa akin.

"Pakisundo si Zeus sa oras" bilin ko sa isa pa naming driver.

Kaagad na tumango ito. Nakahanda na ang sasakyan at nakasakay na din si Zach duon. Ang kanyang kulay puting subaru ang dala namin tuwing pumapasok sa school. Pero minsan ay hinahatid ako ng driver pag kailangan nitong puntahan ang companya.

"Anong gusto mong lunch mamaya?" Tanong nito sa akin habang bumabyahe kami.

"Gusto ko ng hotdog" natatakam na sagot ko sa kanya habang nakahawak na din ako sa aking tiyan na para bang matagal na akong di nakakakain nuon, gayong halos araw arawin ko ang pagkain nuon.

"No baby, hindi na healthy yan" suway niya sa akin na mabilis ko namang ikinainis.

"Eh bakit mo pa ako tinatanong kung anong gusto ko kung kokontra ka lang naman pala!" Medyo pasinghal ng sagot ko dito dahil sa inis.

Kuta kong parang di ito mapakali sa kanyang kinauupuan pero nagawa pa din naman niyang ikalma ang kanyang sarili.

"Im sorry baby..." paumanhin pa nito.

Di na ako sumagot at tsaka humalukipkip na lamang. Hindi ako umimik at hindi na din naman ito nagsalita pa pero ramdam ko ang paglingon nito sa akin na para bang bawat minuto ay chinicheck niya ako.

"Baby..." tawag niya sa akin ng kaagad akong lumabas ng sasakyan pagkahinto niya sa may parking space. Bukod sa malalate na ako ay ayoko muna siyang kausapin kailangan ko pa din kasing magpalamig ng init ng ulo, this past few days ay mabilis akong mairita sa mga bagay bagay lalo na pag si zach ang aking kaharap.

"Good morning ma'm" bati sa akin ng iilang mga estudyante ko na nasa loob na ng room.

"Good morning" bati ko din naman sa kanila pabalik. Pharmacy Informatics ang hawak kong subject para sa mga first year.

Kaagad ko ding sinet up ang laptop ko at ang projector. Nagdiccuss kami at nagkaroon ng short quiz hanggang sa matapos ang time namin na hanggang 12 oclock.

"Dont forget your assignment class...magchecheck ako ng notebook next meeting" paalala ko pa sa mga ito na halos magmadali na sa paglabas ng room.

The Bachelor's Lost Love (Great Bachelor Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon